KUNG may mga dapat mang bagong maupo sa Senado, isa sa mga kursunada ko para dyan ay si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.
Oo! Sigurado ako na magiging epektibong senador si Andanar dahil isa siyang beteranong mediaman na arok ang damdamin ng mga ordinaryong mamamayan.
Dito panga lang sa PCOO ay napakaganda na ng kanyang mga ginawa, pinalawak ang government media network na dati’y halos hindi na naririnig ng mamamayan tulad ng Radyo Pilipinas Inc. (RPI) na nationwide nang naririnig at Philippine News Agency (PNA).
Para sa mga ‘di pa nakakakilala kay Andanar, 47 anyos, siya’y nagtapos sa Federation University Australia; Asian Institute of Management.
Bago naging kalihim ng PCOO, si Andanar ay broadcast journalist sa TV5 at Radyo5 92.3 News FM.
Sa ‘Meet the Press’ ng National Press Club nitong Bi-yernes ng umaga, guest namin itong si Andanar.
Isa nga sa mga naitanong namin sa kanya ay kung anong gagawin niya pagkatapos ng Duterte administration. Babalik lang raw siya sa pagiging brodkaster.
“Wala ka bang balak pumasok sa politika?,” tanong ko.
Sagot niya, kinausap nga siya ni Senador Bong Go at ibang kalihim para tumakbong Senador. Pero pag-aaralan pa raw niyang mabuti. Kakausapin nya muna si Presidente Duterte, kanyang pamilya, at mga kasamahan sa trabaho.
Well, kung kami sa media ang tatanungin, gusto namin tumakbo siyang senador. Mas may “K” naman siya kum-para kina Manny Pacquiao, Lito Lapid at “Bato” dela Rosa na nagmumukhang mga “kenkoy” sa Senado.
Go sa Senado, Martin Andanar!
***
Isang katatawanan na naman ang inanunsyo ni Pangulong “Digong” Duterte sa kanyang pagsulpot sa ere nitong Huwebes ng gabi.
Tulad ng inaasahan, hindi solusyon sa pandemya sa Covid ang kanyang inanunsyo kundi ang wakwakin ang mga nag-uulat tungkol sa grabeng korapsyong nangyayari sa kanyang administrasyon.
Partikular na winakwak ni Digong si Senador Richard Gordon, ang chairman ng Senate Blue Ribbon Commitee na nag-iimbestiga sa Department of Health (DoH) at Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa overpriced facemask at face shields na in-award sa isang kontrobersiyal na kompanya na pag-aari ng mga wanted sa batas sa Taiwan.
Pinakukuha ni Digong ang CoA Report sa Philippine Red Cross dahil ginamit daw ni Gordon ang pondo nito sa pagtakbong Senador.
Eh ang Red Cross ay isang private institution at kailan man ay hindi puwedeng i-audit ng CoA dahil hindi naman pera ng gobyerno o taxpayers ang pondo nito kundi mula sa mga pribadong tumutulong dito. Tuloy puros bash ang inabot ng presidente sa matatalinong netizens. Hehe…
***
Isa pang katiwalian sa DoH ang ibinunyag ni Senador Ping Lacson.
Bumili raw ang DoH ng mga van para gawing ambulansiya ng overpriced. Nagkakahalaga ito ng P2.5 million bawat unit kasama na ang Automated External Defibrillator. Pero ang talagang presyo ng sasakyan ay P1.5 million lamang. Overpriced ng P1 million.
Lupet ng mga opisyal ng DoH ngayon noh? Fuck!!!
The post Ituloy mo…, Sec. Andanar appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: