APAT na siyudad at karamihan sa 30 munisipalidad sa lalawigan ng Batangas ang pinamumugaran ng mga “notorious” at “high profile drug personaliy” gamit na front ang pagpapatakbo ng iligal na pasugal sa naturang lalawigan.
Hindi natin matiyak kung nakakarating ang mga ulat na ito kina PNP Regional Director, PBG Eliseo DC Cruz at Batangas Governor Hermilando I. Mandanas o sadyang nagmamang-maangan lamang sila.
Hindi nakapagtataka kung walang aksyon ang mga ito laban sa operasyon ng kalakalan ng droga at jueteng sa kanilang hurisdiksyon.
Maugong ang balitang may nagpapakilalang bagman ang opisina nina at governor na nag-iikot para mangolekta ng protection money sa mga kilalang drug/gambling operator sa mga lungsod ng Tanauan, Lipa at Sto Tomas at sa mga bayan ng Padre Garcia, Nasugbu, Lian, Ibaan, Malvar, San Juan, Taysan, Mataas na Kahoy, San Jose, Cuenca, Sta Teresita, Balite, San Nicolas, Laurel, Talisay, Bauan, San Pascual, Mabini at Lobo.
Isang intelhencia kolektor, si alias Father ang nangungulekta ng protection money para sa tanggapan ni Gov. Mandanas, isang alias Vir na kilala ding alias Mike Quijano na ang ginagasgas ay pangalan ng isang alias Col. Franada, alias Sgt. Garcia na gamit ang pangalan din ng CIDG at alias Sgt. Adlawan na ang ipinananakot naman ay ang tanggapan ng NBI-Manila.
May nagpapakilala ding intelhencia kolektor ng opisina Tanauan City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agent (PDEA) sa mga pugad ng operator ng kalakalan ng droga at jueteng financier.
Ilang kilalang personalidad sa larangan ng media ang ipinangongolekta din ng mga naturang protection racket kolektor. Kaya sa anumang paraan ay kailangang masugpo ang mga ito ni Batangas Provincial director, P/Col. Glicerio Cansilao.
Lingguhang suki din ng mga naturang tong kolektor sa Tanauan City ang ilang kababaihang drug pusher na nagpapatakbo din ng Small Town Lottery bookies o jueteng sa nasabing lungsod.
Kinilala ng ilang barangay kagawad ang mga lady drug/gambling operator sa nasabing siyudad na sina alias Ms. Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Brgy. Pantay na Matanda., at Ms. Lilian ng Brgy. Sambat at Ms. Jane na kilala din sa kanyang alias na Nini.
Sa mga babaing iligalista, pinakamatunog ang pangalan ni alias Jane o alias Nini pagkat kahit minsan ay di ito natinag ni Tanauan City Police Chief, LtCol. Ariel B. Azurin.
Liban sa rebisahan ng jueteng, ang isang bahay sa Brgy. Boot, gamit din ni alias Jane o alias Nini na bentahan ng shabu ang kanyang safehouse sa nasabi ring barangay. Protektor ni alias Jane o Nini ang isang nagpapakilalang police colonel.
Madalas ay dumarating sa nasabing gambling joint si colonel, kasama ang apat na armado ng matataas na kalibre ng baril nitong mga alalay. Kaya naman parang andap kay alias Jane o Nini si LtCol. Azurin?
Kinilala din ang mga untouchble na drug pusher con gambling operator na sina aliasTano ng Brgy. Trapiche, alias Rodel ng Brgy. Sambat, alias Biskutso ng Brgy 7, alias Mayor Benir, Kon Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho, Lito ng Putuhan, ng Brgy. 7 at Konsehal Perez at alis Kon Burgos ng Poblacion.
Ang mga drug pusher con jueteng operator naman sa Brgy. Bagbag ay si Ocampo, Emil, Ramil, Aldrin ,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, pawang ngTanauan City.
Sa may 349 na naarestong suspected illegal gambling at drug operation ng Tanauan City Police Office, isa man sa mga tinukoy nating pangalan ay wala pang nadarakip sina LtCol. Azurin. Bakit?
Marami naman sa mga notorious drug at gambling operator sa Lipa City, kundi man barangay chairman ay barangay official o kaya’y retired PNP personnel. Isinisi sa mga naglisaw na intelhencia kolektor sa Batangas ang di masugpong operasyon ng droga at sugal.
Kinilala ng ating police insider ang mga jueteng operator con drug financier sa Lipa City na sina alias Ka Carling at ang engkargado nitong sina alias Maliwanag at Vie ng Brgy. Bulacnin, Kap Randy, Brgy. Sulok, Ex-Kap Fonti- Brgy Granja at Poblacion, Kap Gonzales- Brgy. San Benito, alias Kap Boyet ng San Lucas, Kap Lacorte- Brgy. Sto Toribio at Saint Michael; Kap August- Brgy. 8. Poblacion; alias Kap Sara ng Sampaguita, at alias Ruben Sabedra- Brgy. Balintawak.
Sina alias Lorenz naman ang kumikilos sa Brgy. Poblacion 4 at Bulaclacan; Neneng Dista- Brgy Uno; Vilma Tomboy at Topher Taba ng Calle Pogi, Brgy 3, Amapola Subdivision, C.M Recto Ave., at bus stop; Liza at Linda-sa Brgy. Balintawak at Poblacion; Hadjie at Aiza- Brgy San Jose o San Jose Patay, Ex-pulis Yema- Brgy. Pangao.
Sina alias Kap Wanita at Kap. Fernan, naman ang operator ng STL bookies/ jueteng at financier ng kalakalan ng droga sa South at North District ng Lipa City na kumakatawan sa 34 sa looban ng 72 barangay ng Lipa City.
Dahil sa dami ng mga ilegalistang drug pusher at operator ng jueteng na lantaran ang operasyon sa lahat na barangay ng nasabing siyudad, kung kayat tila nawawalan na ng tiwala sa kakayahan ni P/LtCol. Lory E. Tarrazona ang mga taga-Lipa City.
Pinalitan ni Tarrazona si ex-Lipa City Police Chief, LtCol. Antonio Rotol Jr., dahil sa kawalan din nito ng kakayahang supilin ang operasyon ng kalakalan ng droga at jueteng doon.
Ang operasyon din ng mga naturang mga ilegalista ang isinisisi sa kahinaan ng liderato ni Lipa City Mayor Eric Africa ng mga nababahalang mamamayan ng naturang lungsod.
Talo na si Africa sa darating na May 2022 elections dahil sa anila ay pagpapabaya ng alkalde na gampanan ang tungkulin nito bilang AMA ng siyudad ng Lipa.
Ang adiksyon sa droga at pagkahumaling sa sugal ang nagbubulid din sa krimen ng maraming kabataan at mamamayan ng nasabing lungsod, batay sa reklamong natatanggap ng SIKRETA.
Kawalan din ng aksyon naman nina Padre Garcia Police Chief, P/Capt. Eduardo Timbol 11 at Mayora Celsa Braga-Rivera kung kayat di masugpo ang operasyon ng droga at sugal ng isang alias Kap Tisoy at alias Kap Idol. Dapat ding lutasin ang problemang ito ni PD Cansilao.
Kilala din sina Kap Tisoy-Kap Idol na lider ng Tisoy-Idol Flores Gun for Hire and Kidnap Group at kinokolektahan ng mga nagpapakilalang intelhencia kolektor ng tanggapan din nina General Cruz , isang alias Franada ng CIDG at ng opisina ni Gov. Mandanas.
Ang dalawa din ang nagpapatakbo ng burikian o paihian ng nakaw na petroleum product sa mga barangay ng Bawi at Brgy. San Felipe sa nasabi ring bayan kasosyo ang isang alias RR at Roy. Sampal ito sa pamunuan ng Batangas PNP! Itutuloy….
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.
The post Pugad ng droga at sugal! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: