NAGSIMULA ng umarangkada sa lungsod ng Maynila ang pagrerehistro para sa COVID-19 vaccination ng mga batang nagkaka-edad 12 hanggang 17-anyos.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, binuksan ng Manila City government ang pagpaparehistro ng mga kabataan matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagturok ng bakuna sa edad 12 hanggang 17 gamit ang Pfizer at Moderna vaccines.
“We have to be prepared for this eventuality and I have also discussed with Vice Mayor Honey Lacuna and Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan the system that would put in place,” sabi ni Moreno.
“Nag-aalala na mga magulang, siyempre hindi mo masisisi ang mga nanay at tatay dahil maraming bata ang nagkakasakit dahil hindi sila bakunado,” ayon pa sa alkalde.
Gayunman, paglilinaw ng alkalde, ito ay para sa registration lamang muna habang naghihintay pa rin nila ang go signal mula sa national government kung pwede nang bakunahan ang mga kabataan.
Upang mairehistro ang mga menor de edad, maaari umanong magtungo sa Manila COVID-19 vaccine website na https://ift.tt/3cQKROp at irehistro ang kanilang anak na edad 12-pataas.
Pagkatapos nito, ay hihintayin na lamang ang anunsiyo ng local government kung puwede na simulan ang pagbabakuna sa kanila.
Matatandaang hindi pa pinapayagan ng mga awtoridad sa bansa ang pagbabakuna sa mga menor de edad dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna.
Maging ang pagbibigay naman ng booster shots ay bawal pa rin muna dahil sa kaparehong kadahilanan.
Una na rin namang binuksan ng Pateros LGU ang online registration para sa mga residenteng menor de edad nitong linggong ito habang inililista naman sa Marikina ang contact details at pangalan ng mga magulang na nagtatanong kaugnay ng pagbabakuna ng mga menor de edad, pati ang pangalan ng kanilang mga anak. (ANDI GARCIA)
The post Rehistro ng mga edad 12-17 para sa COVID-19 vaccination, nagsimula na sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: