MULA MalacaƱang hanggang sa pinakamamababang antas na barangay ay malaki na ang naging impluwensya ng dati ay itinuring na Chinese ethnic group sa pagwawagi sa halalan ng marami ding personalidad na pumalaot sa larangan ng pulitika sa bansa.
Ang dati rin na kung tagurian ay “Intsik beho tulo laway”, tsekwa at iba pang mapanlait na bansag ay ibang -iba na ngayon kesa noong mga nakaraang panahon.
Wala na ang dati ay kilala rin bilang magtataho, magso-siopao, mamimili ng bote, diaryo at garapa at mga negosyanteng nanginginig sa takot sa ilang bundat na pulis sa kanto.
Ang kanilang bahay-kalakal noon ay sarado tuwing araw ng Linggo sa pangambang masilip din sila ng ilang dorobong pulis na “bata ni meyor” at makotongan dahil sa di pangingilin sa araw na ang mga Pinoy at ka-kristiyanuhan ay nananampalataya sa kanilang mga simbahan, kapilya at pook dalanginan.
Batay sa datus, may ilang taon na ang nakararaan ay may mahigit na sa isang milyon ang bilang ng mga ethnic Chinese sa Pilipinas karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa matao at sentrong kalakalan ng Metro Manila Cebu, Iloilo, Davao at Bacolod.
Nabago na din ang imahe kung dati ay may katawagan ding tsekwa ay tinatawag na ang mga ito ngayon na Tsinoy na ang kahulugan ay Tsinong Pinoy.
Maging ang dati ay konti lamang na Instik sa malaking parte ng Luzon, Kabisayaan at Mindanao ay lumobo na din. Marami pang Insik ang napasok ang bansa bilang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon sa ilang senador ay hihigit pa sa isang milyon ang bilang ng iligal na nakapasok at nagtatrabaho sa POGO karamihan pa ay nakapuslit papasok ng Pilipinas dahil sa ma-anomalyang Pastillas Scam ng Bureau of Immigration and Deportation (BID).
May mga ulat na palihim na nakapagpapa-rehistro sa COMELEC bilang botante ang mga Chinese illegal aliens at underground POGO workers?
Dapat tutukan ng COMELEC kung totoo at sino ang may pakana ng labag sa batas na pagpaparehistro ng mga Tsinoy para makaboto sa paparating na May 2022 elections?
Ibang-iba na talaga ang mga Intsik noon, kesa Intsik ngayon. Halos ang mga ito na ang komokontrol ng ekonomiya ng bansa, nagdidikta din ng presyo sa mga pamilihan at higit sa lahat ay nagtagumpay sa masalimuot at maruming mundo ng pulitika.
Marahil ay marami ang hindi nakakaalam na hindi lamang iilan ang naging lider at kasalukuyang pinuno ng ating bansa ay may lahing Intsik?
Kabilang sa mga ito ang mga namayapang Presidente na sina Benigno Aquino III, Cory Aquino, Sergio OsmeƱa, Manuel Quezon at Ferdinand Marcos.
Higit sa lahat ay ang kasalukuyang Pangulo si Rodrigo R. Duerte na malakas ang naging ugong na sinuportahan ng China at mga lokal na Intsik noong mahalal ito ng taong 2016,ay isa ring mestisong Instik. Kaya hindi nakapagtatakang love na love ni Digong si Xi Jin Peng?
Ang iba pang dating mga prominenteng pulitiko na may mga dugong tsekwa ay sina ex- Senator Alfredo Lim at Nikki Coseteng.
Sikat naman ang mestiso ding Intsik na pumupustura pang kakandidato sa pagka-prresidente ng Pilipinas na si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go. Paniwala naman ng kritiko, hindi tutuloy sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo si Go para bigyang daan ang laban sa ni Inday Sara Carpio- Duterte.
Sa madaling salita, mukhang nauulit ang senaryo, nag-urong-sulong at kunyari ay ayaw na tumakbo sa pagka-presidente na si Davao City Mayor Digong Duterte noong 2016. Bumenta na ito noon, bebenta na naman kaya ulit ito ngayon?
Marami ding gobernador, congressman, mayor , konsehales pababa sa barangay chairman at kagawad ng barangay ay may mga lahi din o dugong Intsik.
Pati na sina ex- Cardinal Jaime Sin at Cardinal Luis Antonio Tagle ay may mga linyadang Intsik din.
Bagamat itinatanggi ng pamahalaang China na di ang mga ito kaalam sa halalalan na ginanap sa ating Mahal na Pinas noon ngang 2016, ay malakas naman ang higing ng mga sources natin mula sa Chinese Community na muling bubuhos ang salapi at ang suporta ng mga Intsik sa kanilang mga kandidato sa ‘Pinas sa darating na May 2022 elections.
Kahit na magpalit pa ng apelyido ang mga kandidatong Intsik sa bisa ngPhilippine Naturalization Act ay madali din namang makilala ang mga ito ng mga botante, at isang bagay na hindi nila madaling maitatatwa.
Iisa-isahin naman natin ang pangalan ng mga kandidato ng China at ng mga Intsik sa mga susunod nating pitak.
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com
The post KANDIDATO NG INTSIK! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: