Facebook

SUPORTA DAPAT IPAGKALOOB SA HEALTH WORKERS

Pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagkaka-apruba sa pagpapalabas ng karagdagang budget na laan sa healthcare workforce para sa pagtugon ng mga ito sa kinakaharap na Covid-19 pandemic.

Kamakailan lamang, inapbrubahan ni President Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng pondong nagkakahalaga ng P1.98 bilyon mula sa 2021 Contingent Fund at ang remaining funding requirement na P1.7 billion ay kukuhanin mula sa available balance of allotments ng Department of Health.

Magiging daan ito para sa continuous hiring ng 20,839 Human Resources of Health (HRH) personnel para sa period ng July hanggang December 31, 2021.

“Bilang Chair ng Senate Committee on Health, lagi kong pinapaalala sa ating mga kababayan na ang pinakamalaking bahagi ng bayanihan ay ang ating sariling pag-iingat at disiplina upang maiwasang bumagsak ang healthcare system,” saad Go.

“Ang ating kooperasyon ay tulong natin sa mga health workers na binubuwis ang kanilang buhay para makapagligtas ng buhay ng iba,” hayag pa ni Go.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act, ang DOH ay makakapag-hire ng bagong HRH personnel, tulad ng medical and allied medical staff para sa emergency hiring program sa gayon ay mapanatili ang kapasidad ng national healthcare system.

Sa nabanggit na bilang, ang kabuuang 10,120 health workers ay na-hire sa ilalim ng emergency hiring program; 4,800 ang aasiste sa vaccination drive; 3,487 ay magsisipagtrabaho bilang disease surveillance officers; at ang natitirang 2,432 ay maitatalaga sa Covid-19 testing laboratories.

Ang mga empleyado ay magsisilbi para tugunan ang Covid-19 referral hospitals para sa public and private sectors, DOH-retained hospitals, specialty hospitals, state universities and colleges, Covid-19 referral laboratories, at pansamantalang treatment and monitoring facilities.

Tutulong din ang mga ito para maparami ang bilang ng laboratories with Covid-19 test capacity na ito naman ay para sa improvement ng laboratory turn-around time, mangangalaga sa critical utilization rate of hospitals at medium risk at sa pagpapanatili ng COVID-19 case fatality rate sa two percent or below.

Bilang pagkilala sa peligro ng lahat na mga healthworker kapag sila ay magsisipahtrabaho na, inihayag ni Go ang kaniyang pagsuporta sa panukalang fixed monthly Special Risk Allowance (SRA) para sa public and private healthcare workers.

Hinikayat ni Go ang mga concerned authorities para sa paglalaan ng implementasyon sa probisyong isinasaad ng Bayanihan to Recover As One Act na magkakaloob ng legal basis para sa provision ng SRA.

“Bigyan natin ng sapat na suporta ang medical frontliners. Bawat araw ay nasa panganib ang kanilang buhay. Siguraduhin nating mabibigyan ang lahat ng qualified healthcare workers ng Special Risk Allowance at iba pang insentibo o benepisyo na naaayon sa batas,” apila ni Go.

“Kaya ako umaapela na maging flexible tayo sa pag-iimplementa ng nakasaad sa batas at kung kakayanin ng pondo ay bigyan na ang lahat ng qualified ng fixed na amount ng SRA kaysa bilangin pa natin ang kanilang pag-duty bawat araw,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, lahat ng HCWs na direktang nagsisilbi o humaharap sa Covid-19 patients ay makatatanggap ng SRA na hinde lalagpas ng P5,000 per month. Ang allowance ay pro-rated based sa number of days na kanilang ipinagtrabaho base sa Administrative Order No. 42 na nilagdaan ni President Rodrigo Duterte noong June 1.

Sa pagtiyak ng kanilang kontribusyon at sa peligrong kanilang kinakaharap ay lubos na kinikilala at ibinigay ni Go ang pagsuporta sa pagpapalawak ng provision ng SRA para sa lahat ng HCWs na nagsisilbi sa mga ospital.

“Lahat naman ng health workers na naka-duty ay maituturing na exposed sa banta ng Covid-19. Hindi nakikita ang kalaban na ito kung kaya’t mahirap paghiwalayin pa kung sino ang exposed at sino ang hindi,” pagpapatuloy ni Go.

“’Pagdating mo sa ospital, ‘di mo naman masasabi. Once nasa loob ka na, prone at maituturing na exposed ka na rin. Hindi mo masabi na walang virus sa dinaanan mong floor dahil dito lang ang virus kasi hindi nga natin nakikita ang kalaban,” paliwanag nito sa interview.

Idinagdag din ni Go na ang gobyerno ay dapat maglaan ng suportang kanilang magagawa para sa medical frontliners na ibinibigay ang kanilang peligrong gampanin sa paglaban sa pandemic at pagsalba ng buhay.

“As much as possible, kung kakayanin naman ng pondo, ibigay na natin lahat ng suportang pwede nating ibigay sa medical frontliners dahil sila naman ang maituturing na mga bayani sa laban na ito,” pagpupunto ni Go.

Sa paglutas sa lomolobong pangangailangan ng health workers ay hinikayat ni Go ang mga nagsisipagtrabaho sa non-critical areas na magboluntaryong madestino ang mga ito sa Metro Manila at iba pang critical areas.

Kaugnay nito ay inilunsad ni Go ang inisyatibang magmo-mobilize sa volunteer medical frontliners sa koloborasyon ng Office of the Presidential Assistant to the Visayas (OPAV), DOH regional offices, local government units, hospitals with Malasakit Centers, at Project Balik Buhay member-private hospitals.

Noong 2019, si Go ay naging kasangkapan sa enactment ng Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law 5, na siya ang may-akda at co-sponsor. Ang naturang batas ay nagkakaloob sa civilian government employees, kabilang ang mga nurse, para sa kanilang fifth round of salary increases broken down in tranches.

Sa gayunding taon ay isinulong din nito ang katiyakan sa sapat na pondong laan para sa implementation ng Supreme Court decision upholding Section 32 of the Philippine Nursing Act of 2002 some 18 years after the law was enacted. Ang batas ay nagpapahintulot sa increases ng minimum salary grade ng mga Nurse I position to SG-15. Ang panuntunan ay ipinairal sa sumunod na taon.

The post SUPORTA DAPAT IPAGKALOOB SA HEALTH WORKERS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SUPORTA DAPAT IPAGKALOOB SA HEALTH WORKERS SUPORTA DAPAT IPAGKALOOB SA HEALTH WORKERS Reviewed by misfitgympal on Setyembre 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.