Facebook

Rayver napaluha sa contract renewal sa Siyete

Ni ROMMEL GONZALES

SA Kapuso series na “Las Hermanas,” gaganap na middle child si Thea Tolentino na hindi na masyadong napapansin at napakikinggan sa pamilya. Kaya naman may payo siya sa mga middle child sa totoong buhay.

“Usually kahit sa totoong buhay ang mga middle child, hindi sila usually ‘yung napapakinggan ng mga magulang. Ang focus madalas ng mga magulang is nasa panganay or nasa bunso,” paliwanag ni Thea sa panayam sa kanya sa GMA Regional TV Early Edition.

Panganay si Thea sa totoong buhay, pero naobserbahan niya ang ugali ng kapatid niya na middle child.

“Napansin ko rin talaga na madalas sa kanila ang kinikimkim ang emosyon,” saad niya.

Payo ni Thea: “Ang advice ko is huwag hayaan ang sarili na ipunin lahat kasi aabot din sa point na sasabog kayo and kayo rin ‘yung masasaktan. Kaya mas okay din talaga na makahanap ka ng outlet, or unti-unti na maging open kahit sa family kahit mahirap.”

“Kasi ‘pag nag-assume tayo tapos nagiging malala siya… pero ‘pag in-open pala natin, mari-realize natin na, hindi pala ganu’n kalala ‘yung sitwasyon. Sana in-open ko na dati pa. So less regrets din kapag vocal tayo,” ayon pa kay Thea.

Gaganap si Thea bilang si Minnie Manansala, ikalawa sa tatlong magkakapatid na Manansala sa  “Las Hermanas.”

Panganay si Dorothy, na gagampanan ni Yasmien Kurdi, samantalang ang bunsong si Scarlet ay gagampanan ni Faith da Silva.

“Makikita nila ang iba’t ibang personalities and views in life ng magkakapatid,” ani Thea.

Ayon pa kay Thea, hamon ang kanyang role dahil hindi siya palaban, taliwas sa mga naging role niya noon sa Kapuso Network.

“Si Minnie Manansala, sobrang insecure siya, hindi siya vocal with her emotions. So madalas sinusulat niya na lang or inaatake siya ng anxiety,” kuwento sa kanyang karakter.

Mapapanood ang “Las Hermanas” simula Oktubre sa GMA Afternoon Prime.

***

HINDI napigilan ni Rayver Cruz na mapaluha sa renewal niya ng kontrata sa GMA Network, matapos siyang batiin ng kapatid na si Rodjun at maalala ang kanilang yumaong ina.

“Grabe sobrang thankful and sobrang blessed ako na ‘yung trust na binibigay sa akin ng GMA is beyond words talaga, and gano’n din ako sa kanila,” sabi ni Rayver sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras Weekend” nitong Sabado.

“I’m very happy to be here, I’m very happy to be a Kapuso,” dagdag ni Rayver.

Binati si Rayver ng mga malalapit niyang kaibigan, pati na rin ni Rodjun, sa muling pagtitibay niya ng kanyang relasyon sa GMA Network.

“Siyempre sina mama at papa in heaven, sobrang proud sila sa’yo bro. Para kong nakita ‘yung ngiti nila and saya nila bro, nakagabay pa rin sila sa’yo. Mahal na mahal ka namin Ray! Congratulations bro!” mensahe ni Rodjun kay Rayver.

“Magkasabay kami ni Rodjun and up to now, we’re here sa GMA. We’re very thankful… Si mama talagang ano eh… Iba ‘yung [pakiramdam] eh, I’m sure sobrang proud ni mama ngayon, sobrang happy na nandito ako sa Kapuso,” ayon kay Rayver.

Kasamang pumirma ni Rayver ang ilang GMA executives sa pangunguna ni Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth Rasonable at co-manager ni Rayver na si Albert Chua.

Ikinatuwa rin ng star builder na si Mr. M ang muling pagsasama nila ni Rayver, sa Kapuso Network sa pagkakataong ito.

The post Rayver napaluha sa contract renewal sa Siyete appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rayver napaluha sa contract renewal sa Siyete Rayver napaluha sa contract renewal sa Siyete Reviewed by misfitgympal on Setyembre 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.