Facebook

‘Terrorist threat’ sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas iba-validate ng DND

MAGSASAGAWA ng validation ang Department of National Defense (DND) sa inilabas na babala ng Japan ukol sa umano’y bantang terorismo sa ilang bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas.

Sinabi ito ni DND Spokesperson Arsenio Andolong kaugnay ng inilabas na travel advisory ng Japanese Foreign Ministry sa kanilang mga mamamayan sa anim na bansa sa Southeast Asia na umiwas sa mga matataong lugar dahil sa posibleng suicide bombing.

Ani Andolong ang lahat ng mga ulat tungkol sa kaligtasan at seguridad ng mga komunidad ay dumadaan sa proseso ng validation.

Ayon kay Andolong, na kasunod ng Marawi Rebellion, ang DND at AFP ay palagiang nasa “heightened alert” sa galaw ng mga terorista.

Aktibo aniya silang nakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Anti-Terrorism Council upang I-assess ang lahat ng posibleng banta ng terorismo.

Una naring inihayag ng AFP na sineseryoso nila ang babala ng Japan, bagamat sa panig ng militar ay wala silang na-monitor na banta at nasa “moderate threat Level” lang ang bansa.

Una ng sinabi ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala na patuloy ang kanilang kampanya para labanan ang terorismo sa bansa partikular na sa Mindanao.

Pinalakas din ng AFP ang kanilang intelligence monitoring lalo na duon sa mga posibleng maglunsad ng suicide bombing.

Dagdag pa ni Zagala, ipagpapatuloy ng AFP ang kanilang pakikipaglaban sa terorismo sa pamamagitan ng intensified internal security operations.

The post ‘Terrorist threat’ sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas iba-validate ng DND appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Terrorist threat’ sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas iba-validate ng DND ‘Terrorist threat’ sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas iba-validate ng DND Reviewed by misfitgympal on Setyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.