Facebook

Checkpoint, grinanada; Rep. Mangudadatu muntik mahagip

MASUWERTENG walang namatay o nasugatan nang pasabugan ang Army checkpoint sa Barangay Macasampen, Guindulungan, Maguindanao, Sabado ng gabi.

Ayon kay Joint Task Force Central Spokesperson Lieutenant Colonel John Paul Boldomar, naganap ang insidente 6:30 ng gabi.

Sa salaysay ng CAFGU na naka-duty, may dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang naghagis ng pampasabog malapit sa kanilang detachment at eksakto namang dumaraan sa area ang convoy ni Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu kasama ang anak nito nang maganap ang pagsabog.

Napag-alaman na galing sa Mother Kabuntalan sa nasabing probinsya ang kongresista.

Agad namang isinara ang highway para sa clearing operation ng EOD Team.

Kaugnay nito, nagpalabas ng kanilang mga facebook post ang mag amang Board Member King Mangudadatu at Congressman Esmael ”Toto” Mangudadatu.

Ayon sa kanila, binabaybay nila ang naturang highway at paglagpas nila biglang sumabog ang IED.

Dagdag pa nila, wala namang nasugatan sa kanila, ngunit muntik na raw mahagip sa pagsabog ang isa sa kanilang mga sasakyan.

The post Checkpoint, grinanada; Rep. Mangudadatu muntik mahagip appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Checkpoint, grinanada; Rep. Mangudadatu muntik mahagip Checkpoint, grinanada; Rep. Mangudadatu muntik mahagip Reviewed by misfitgympal on Oktubre 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.