Facebook

Mag-ingat sa pekeng pera: Delivery rider nabayaran ng pekeng P500

PANGGASTOS at pantugon na sana ng pangangailangan ng pamilya ni King Latonio mula sa Lipa City, Batangas ang P500 na kaniyang kinita, subali’t huli na nang madiskubre niyang peke ang salaping ito mula sa kaniyang customer.

“Nung magre-remit na po ako sa 7-Eleven, nung inabot ko po sa cashier, binibilang palang po niya nakita po niya ’yung P500. Sabi niya agad, fake daw po. Ako po nagulat. Tapos may tester po sila, dun makikita kung fake ang pera. Tinest po nila ’yung pera, ’yun nga po fake nga po. Kitang-kita nga po sa appearance ng pera fake po talaga siya,” ayon kay Latonio.

Bukod rito, hindi raw niya alam kung sinong customer ang nagbayad sa kaniya ng pekeng pera dahil sa dami na ng kaniyang pinag-deliberan nitong mga nakaraang buwan.

“Madami po kasi akong pinagde-deliberan, hindi ko na po tanda kung sino ’yung nagbayad sa’kin. Basta ang alam ko po intentional talaga siya, kasi P600 po siya ang binayad niya sa akin tapos po naka-kipit po talaga ’yun P500,” dagdag niya.

Aniya, sa kabila ng hirap ng trabaho ngayong umiiral pa ang pandemiya hindi niya inasahan na mararanasan niya ang ganitong pangyayari habang siya ay masigasig na kumakayod umulan man o umaraw.

The post Mag-ingat sa pekeng pera: Delivery rider nabayaran ng pekeng P500 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-ingat sa pekeng pera: Delivery rider nabayaran ng pekeng P500 Mag-ingat sa pekeng pera: Delivery rider nabayaran ng pekeng P500 Reviewed by misfitgympal on Oktubre 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.