Facebook

P23.4m marijuana plants sa Kalinga winasak

CAMP DANGWA, Benguet – Muling umiskor ang mga tauhan ng Police Regional Office-Cordillera sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga nang sunugin ang P23.4 milyong halaga ng tanim na marijuana sa limang araw na operasyon sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Sa unang operasyon, binunot ng pulisya ang 25,000 fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P5 milyon at P1 milyong halaga ng marijuana naman ang binunot sa ikalawang operasyon hindi kalayuan sa nabanggit na lugar.

Aabot naman sa P12 milyong halaga ng tanim na marijuana ang binunot sa ikatlong operasyon. Sa kalapit na lugar nadiskubre ng mga awtoridad ang saku-sakong pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P5.4 milyon.

Sa kabuuan, aabot sa P23.4 milyong halaga ng marijuana ang sabay-sabay na sinunog ng mga pulis.

Ayon sa pulisya, wala silang naaresto sa limang araw nilang anti-illegal drugs operations.

The post P23.4m marijuana plants sa Kalinga winasak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P23.4m marijuana plants sa Kalinga winasak P23.4m marijuana plants sa Kalinga winasak Reviewed by misfitgympal on Oktubre 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.