NAIS na ng mayoryang Pilipino na mga bagong mukha at ‘young blood’ na ang mailuklok sa susunod na hanay ng mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan matapos ang local at national election sa Mayo 9; 2022.
Matunog ang mga potensyal na aspirante para Senador na papasok sa winners’ circle kabilang na ang isa sa itinuturing na young blood lawmaker na si public servant / actor/ sportsman Monsour del Rosario.
Kung kwalipikasyon ang pag-uusapan ay swak ang kredensyal ni senatoriable Monsour sa larangan ng paglilingkod para sa bansa sa naiambag niyang karangalan bilang magiting na Pilipino.
Dalawang sunod na termino bilang City Concilor ng Makati bago naging Representante ng unang distrito ng naturang lungsod sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Nakapag-alay ng karangalan sa bansa sa pagiging prized taekwondo jin nito ng pambansang koponan sa international competitions noong prime ng kanyang pagiging atleta at naging markadong sports leader nang pamunuan niya ang matagumpay na Team Philippines noong 2017 AIMAGames na idinaos sa Turkmenistan at tinitingalang opisyal ng Philippine Taekwondo Association(PTA) hanggang sa kasalukuyan.
Naging kauna-unahang non-Korean awardee bilang Taekwondo ‘Man of the Year’ na iginawad sa gem ng Pilipinas sa Seoul South Korea noong 2018.
Umukit din siya ng pangalan sa pinilakang tabing bilang action star at versatile actor habang ipinalalawig niya sa kabataan ang kahalagahan ng sports, sining at serbisyo publiko sa mga kabataan at masang Pilipino sa kabuuan.
Ramdam ng korner na ito na ibig na ng sambayanan ng isang Senado na pawang bagong mukha at hindi recycled politician ang mamamayagpag sa plenaryo sa susunod na August Chamber.
Kaya pagsapit na ng pagharurot ng karera para sa nasyunal na kampanya,pagdating sa final turn sa balya ay rumerepeke na sa sprint patungong finish line ang Bacolod pride ding si Senatoriable Manuel Monsour del Rosario.SURE WIN MONSOUR…
Abangan!
Lowcut:Shoutout sa mga masisipag, magagalang at maasahang kawani na sina Ms Editha Gadingan at Ms Ems Casi ng PWDO Bagong Silang, Caloocan City.Kudos to PWDO Brgy.176 Chief Maria Susana Laganzo gayundin kay Pastor Albert Ferrer- founder ng MITOHETPO Assocition Group. MABUHAY!
The post MONSOUR PAPASOK SA SENATE WINNERS’ CIRCLE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: