Facebook

Bababa pa ba si BBM para kay Sara?; At Lacuna vs Lopez

KALAT ngayon sa social media ang larawan ng pagkikita nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio Bongbong Marcos (BBM), at pagtaas ni Cebu Governor Gwen Garcia sa mga kamay nina Sara at BBM sa Cebu City nitong Sabado.

Sabi sa post, si Sara ay nasa Cebu para makipagkita sa kanyang tiyuhin o utol ng kanyang Tatay Digong; habang si BBM ay nasa Cebu rin para sa pagpapasinaya sa kanyang headquarters.

Sa mga naka-post na larawan sa Facebook, masayang nag-uusap sina Sara at BBM sa mahabang sofa na may unan sa gitna. Posible nasa isang hotel sila.

Sa isa pang larawan ay itinataas ni Gov. Garcia ang kamay nina Sara at BBM, senyales na iniendorso niya ang dalawa sa mga Cebuano.

Ano man ang mga rason nila sa kanilang pagkikita, sinadya man o hindi, ang tanong ay kung tatakbo na nga ba sa national si Sara?

Si Sara ay nag-file ng reelectionist pero puwede pa siya magwidro at mag-substitute bago ang deadline ng substitution sa Nov. 15 alin sa mga “bata” ng kanyang Tatay Digong na sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Sen. Bong Go na nag-file para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo, ayon sa pagkakasunod.

Kung buo na ang loob ni Sara na sumabak sa national, sino naman kaya ang kanyang isu-substitute? Si Bato o si Bong Go?

Kung si Bato? Maglalaban sila ni BBM. Kung si Bong Go naman, magiging running mate o Vice lang siya ni BBM.

Papayag ba si Sara na maging Vice lang ni BBM? Puwede? Dahil bata pa siya at puwedeng puwede pa sa 2028.

Pero kung si BBM ang bababa sa Vice, malabong mangyari. Dahil sa takbo ng mga survey sa presidentiables ngayon, mala-yong nangunguna si BBM. Tiyak hindi na ito papayag sa Vice post. Laban na talaga ito sa pagka-Pangulo. Peks man!

Kapag magpumilit si Sara sa presidential race, mahahati ang boto ng supporters nila ni BBM. Magsasabong ang DDS at BBM. Sa kangkungan sila pareho pupulutin. Magkukulay-PINK (Leni Robredo) or Blue (Isko Moreno) ang Pilipinas. Mismo!

Well, malalaman natin ito bago matapos ang deadline ng substitution. Abangan!

***

Nagsisimula narin ang build up ng mga kandidatong mayor sa Maynila.

Oo! Marami ang tatakbong mayor ngayon sa Lungsod dahil sa pagkasa ni Yorme Isko sa presidential race.

Siempre, ang iniendorso ni Isko na papalit sa kanya ay ang kanyang kasalukuyang Vice na si Honey Lacuna-Pangan, anak ni ex-Vice Mayor Danny Lacuna.

Ang mga makakalaban ni Honey ay sina Cristy Lim, anak ni late Mayor Alfred Lim; retired Police General Elmer Jamias, ang tinaguriang “Barako” ng Maynila.

Pero ang posibleng mahigpit na makakalaban ni Honey just in case ay si Congressman Manny Lopez ng District 1 (Tondo). Bagama’t nagwidro ng kanyang kandidatura si Lopez ay puwede parin itong bumalik, mag-substitute sa isang ‘di masyadong kilalang kumakandidatong mayor na miembro ng ‘Kabaka’, isang malaking grupo ng maralita sa Maynila.

Until now ay nililigawan ng grupo si Lopez na ituloy na ang pagtakbo. Dahil ito lang ang puwede magbigay ng magandang laban kay Honey.

Ang final answer, sa Nov. 15. Subaybayan!

The post Bababa pa ba si BBM para kay Sara?; At Lacuna vs Lopez appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bababa pa ba si BBM para kay Sara?; At Lacuna vs Lopez Bababa pa ba si BBM para kay Sara?; At Lacuna vs Lopez Reviewed by misfitgympal on Oktubre 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.