MAKAKASAGUPA ni Filipino superstar Nonito Donaire Jr. ang kapwa Filipino Reymart Gaballo sa mandatory fight para sa World Boxing Council (WBC) bantamweight title sa Dec. 11, 2021 sa Dignity Health Sports Park sa Carson,California.
Si Donaire ang kasalukuyang WBC bantamweight champion,habang si Gaballo ang interim WBC bantamweight title holder.
Ang 38-year-old Donaire Jr. ay muling nabuhay ang kanyang career matapos masikwat ang WBC bantamweight belt sa fourth round knockout laban sa dating unbeaten Nordine Oubali noong Mayo 29.
Bago ang kanyang panalo kay Oubali, Donaire Jr. ay lumaban muna kay Naoya Inoue sa finals ng World Boxing Super Series sa Saitama,Japan noong 2019. Natalo siya kay Inoue by unanimous decision sa World Boxing Association (WBA) at International Boxing Fedration (IBF) bantamweight title unification.
Ang rematch kay Inoue ang isa sa puntirya ni Donaire Jr. kung sakaling manalo siya kay Gaballo.
Gaballo ang kumikinang na unbeaten bantamweight mula Polomolok. Naging interim WBC bantamweight title holder matapos itumba ang dating world champion Emmanuel Rodriguez by split decision noong December 19, sa Connecticut.
Donaire Jr. na world champion sa apat na mag-kaibang division, ay 41-6 na may 27 knockouts,habang si Gaballo ay 24-0 na may 20 knockouts.
The post Donaire Jr. makakasagupa si Gaballo sa Dec. 11 WBC unification bout appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: