Facebook

HUMAN RIGHTS DEFENDER BILL, DI NA KAILANGAN – MGA EKSPERTO

ANG panukalang Human Rights Defenders bill na muling gustong palusutin ng mga Makabayan Bloc sa Kongreso ay di na kinakailangan at walang ibang makikinabang dito kundi ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ang pananaw ng maraming eksperto sa batas at karapatang pangtao na kanilang inihayag sa espesyal na edition ng ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Miyerkules.

Para kay Undersecretary Severo Catura, tagapagsalita ng NTF-ELCAC para s International Affairs, Peace Process and Human Rights Concerns, maraming here are “legal infirmities” ang Human Rights Defenders’ Bill.

Ang panukalang batas aniya, ay naglalayon lamang maging institusyon ang mga front organizations ng CPP-NPA-NDF, gaya ng Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights (Karapatan) at National Union of People’s Lawyers (NUPL), upang maging kasapi ng “Human Rights Defenders Protection Committee” na maitatag sakaling maisbatas ang panukala

Dagdag pa ni Catura, kahit ang United Nations (UN) ay walang paghahayag kung sino ang mga dapat tawaging tgapagtanggol ng karapatang pangtao o mga human rights defenders.

“Human rights defenders is not a job title,” paliwanag ni Catura, na idinagdag pa ang tanging idinidiin ng UN ay kung ipagtatanggol ng sino man ang karapatang pangtao, ito ay dapat nasa tama at mapayapang pamamaraan.

Dagdag pa ni Catura direkta rin sinasabi ng UN na ang bawat pamahalaan, at mga pulis at sundalo nito ang tangi at sapat nang tagapagtanggol ng karapatang pangtao.

Itinatanong nga ni Catura kung ano angg talagang motibasyon ng Makabayan bloc sa pagsusulong ng kanilang panukalang batas, samantalang hindi naman nito sinasaad ang mga pagkundena sa mga paglabag ng mga Communist Terrorist Groups (CTGs) sa mg karapatang pangtao.

“This is a travesty and mockery of human rights,” ng sabi ni Catura.

Ang abogadong si Marlon Bosantog naman, tagapagsalit rin ng NTF-ELCAC para sa Legal Affairs at Indigenous People (IP) Concerns, ay inihalimbawa ang kaso ni Jorge “Ka Oris” Madlos, isang most wanted NPA leader na napatay sa enkwentro sa Bukidnon, at itinuturing pang isang freedom ng mga nagsusulong ng panukalang batas.

“Para sa mga IPs, siya (Madlos) ay mangangatay o butcher. But under the bill he can be defended,” paliwanag ni Bosantog na idinagdag pa, maaaring abusuhin ng CTGs ang panuka kung misasabatas ito, na sila ay mga human rights defenders samantalang sila naman talaga ang mga human rights violators gaya ng ginagawa at pinalalabas ng mga ito sa kaso ni Madlos.

Is pang abogada na si Rhowee Buergo, miyembro ng NTF-ELCAC Legal Cooperation Cluster, ang nagsabi na dapat ang panukalang batas ay sumusunod din sa mga dati ng mga batas.

Ngunit, ang mga provision sa panukala ayon kay Buergo ay kinokontra pa nga ang mga dati ng batas gaya Republic Act (R.A.) 9160 o ang Anti-Money Laundering Act of 2001 (AMLA), R.A. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA) at R.A. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012.

Para naman kay Brig. Gen. Joel Alejandro Nacnac, director ng Armed Forces of the Philippines – Center for Law of Armed Conflict (AFP-CLOAC), ang panukalang batas ay “not necessary,” dahil ang bansa ay mayroon ng sapat na mga batas at ang Saligang Batas ay may mga kaparaanan na, na nagbibigay proteksiyon sa mga krapatang pangtao.

Dagdag pa ni Nacnac Ang panukala ay sasamantalahin lamang ng mga pekeng nagpapakilalang tagapagtanggol ng karapatang pangtao gaya ng mga kaalyado ng CPP-NPA-NDF.

“Kailngang tingnan ng Congress ang mga backgrounds ng mga nagsusulong ng one-sided bill na ito,” ng sabi ni Nacnac.

Ang kanyang kabaro, ang retirado ng LtGen Antonio Parlade Jr, na ngayon ay Deputy Director-General ng National Security Council, ay isiniwalat naman ang mga litrato at iba’t-ibang video ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF na nagpapakilalang mga who human rights defenders.

Ipinakita ni Parlade ang mga larawan ng mga miyembro ng grupong Karapatan, gaya ni Glendyl Malabanan at Alex Pacalda, na aktibong kasali s pagsasanay ng paghawak ng armas bilang mga NPA. Kanyang iginiit na Ang mga gustong tawaging human rights defenders ay talagang mga aktibong miyembro ng CTGs.

“Patunayan ninyo sa amin na ito ay legitimate na human rights defenders,” ang hamon ni Parlade said.

The post HUMAN RIGHTS DEFENDER BILL, DI NA KAILANGAN – MGA EKSPERTO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HUMAN RIGHTS DEFENDER BILL, DI NA KAILANGAN – MGA EKSPERTO HUMAN RIGHTS DEFENDER BILL, DI NA KAILANGAN – MGA EKSPERTO Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.