
Ni BLESSIE K. CIRERA
INAMIN ng magandang produ-sexy actress na si Ana Jalandoni na may inspirasyon siya ngayon, isang Kapamilya actor na ayaw niyang pangalanan.
Tsika ni Ana sa isang pocket presscon kahapon, isang beses pa lang daw silang lumalabas ng naturang aktor at nakagaanan na anya niya ito ng loob.
“Actually, antagal akong nakulong sa isang relasyon, 5 years. Pero hindi naging maganda ang kinahantungan namin, naging toxic ang relasyon namin kaya nauwi sa hiwalayan,” sey ni Ana na ibinalita rin na ang kanyang pelikulang Manipula na handog ng AFlix Media Production sa direksyon ni Neil ‘Buboy’ Tan ay ipalalabas na internationally sa January 2022.
Masaya ring ibinalita ni Ana na hindi pa man naipalalabas ang Manipula ay may part 2 na raw agad ito.
Gayundin, tsinika rin ni Ana na nahirapan daw talaga siyang gawin ang ilang love scenes kay Aljur Abrenica dahil matagal na umano niya itong kaibigan.
Nang tanungin ng ilang kapatid sa panulat kung hindi raw kaya magselos ang rumored gf ngayon ni Aljur na si AJ Raval ‘pag napanuod ang maiinit na romansahan nila…
“Trabaho lang naman maiintindihan naman niya,” sagot ni Ana.
Proud talaga si Ana sa kinalabasan ng magandang movie nila na tinatampukan din nina Aljur, Marco Alcaraz, Christian Vasquez, Kiko Matos, Mac Manicad at Ms. Rosanna Roces.
Kaya umaasa ang sexy at magandang producer-aktres na tatangkilikin ang Manipula nila ‘pag ipinalabas na sa Enero 2022.
The post Ana Jalandoni, aminado, Kapamilya actor ang bagong inspirasyon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: