
NILAMPASO ng Kaya Futbol Club ang Azkals Development Team sa score na 2-0 sa Philippine Football Federation’s Copa Paulino Alcantara opener.
Ang torneyo ay isinagawa sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.
Matapos bigong maka-score sa unang half, umiskor si Daizo Horikoshi sa ika-54 na minuto ng laro.
Sinundan ito ni Simone Rota sa ika-70 minuto at sinelyuhan ng Kaya ang panalo.
Magbabalik sa aksiyon ang Kaya sa Miyerkules at makakasagupa ang Mendiola Football Club.
Samantala, ang dalawang team sa ibang group na Stallion Laguna at Dynamic Herb Cebu ay maglalaro rin sa parehong araw.
The post Kaya FC nilampaso ang Azkals sa Copa Paulino Alcantara opener appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Kaya FC nilampaso ang Azkals sa Copa Paulino Alcantara opener
Reviewed by misfitgympal
on
Nobyembre 08, 2021
Rating:
Walang komento: