Facebook

STAFF NI MAYOR SARA LUSOT SA DRUG BUST!

ITINANGGI ni Davao City Information Office head Jefry Tupas na kabilang siya sa 17 indibidwal na naaresto ng mga awtoridad nang mahulihan ng party drugs sa isang resort sa Davao de Oro nitong Nobyembre 6 (Sabado).

Sa social media post, inamin ni Tupas na naimbitahan siya sa isang party sa naturang resort sa Barangay Pindasan sa bayan ng Mabini, ngunit hindi raw siya kasama sa mga nadampot ng mga awtoridad.

“I was there because like the other guests, I was invited. But I left right after dinner with my boyfriend and another friend,” saad ni Tupas sa isang statement nitong Martes.

Sa naganap na raid ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Davao, nahuli ang 17 katao at nasamsam ang party drugs na tinatayang P1.5 milyon ang halaga.

Bukod sa party drugs, natagpuan din sa mga naaresto ang shabu at marijuana.

Kinumpirma rin ng PDEA-Davao na ilan sa mga naaresto ang galing sa prominenteng pamilya sa Davao City.

Isa sa mga naaresto si Revsan Ethelbert P. Elizalde, 33 anyos, na siyang nagbenta ng droga sa isang police agent.

Si Elizalde rin ang nagdiwang ng kanyang kaarawan at nag-imbita ng mga bisita sa resort.

Sa kabilang dako, naroon si Tupas sa mga larawang kuha sa birthday party na in-upload sa social media, ngunit ‘di naman kasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga naaresto.

The post STAFF NI MAYOR SARA LUSOT SA DRUG BUST! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
STAFF NI MAYOR SARA LUSOT SA DRUG BUST! STAFF NI MAYOR SARA LUSOT SA DRUG BUST! Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.