Patay ang isang ginang nang pagsasaksakin ng dalagang kainuman dahil lamang sa nasirang mikropono ng videoke sa bayan ng Norzagaray, Bulacan.
Kinilala ang salarin na si Mary Jane Sharlyn Bravo, 23, dalaga; habang ang biktima kinilalang si Ana Villaruel, 32, may ka-live in at kapwa residente ng Brgy. Tigbe.
Sa report, nangyari ang madugong insidente 9:30 ng gabi nitong Sabado sa Sitio Munting Sapa, Brgy. Tigbe.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkainuman at nagkantahan sa videoke ang salarin na si Bravo at ang biktimang si Villlaruel sa isang bahay.
Sa kasagsagan ng inuman, umuwi si Bravo sa kanilang bahay subali’t makalipas ang isang oras bumalik ito sa umpukan para kunin ang kanyang mikropono.
Nagalit umano si Bravo nang malamang nasira ang kanyang mikropono hanggang sa magkasagutan at makaalitan niya ang biktima.
Naawat naman ito ng isang kasama hanggang sa muling umuwi si Bravo at naiwang nakatambay ang biktima sa kalapit na tindahan.
Lingid sa kaalaman ni Villaruel, binalikan siya ni Bravo bitbit ang kitchen knife at nang magkita kinaladkad niya ito hanggang sa pagsasaksakin sa kaliwang tagiliran nito.
Matapos ang insidente, mabilis na nagtago si Bravo sa kanyang bahay habang ang biktimang duguan na humihingi ng saklolo nawalan ng malay.
Agad namang isinugod ang biktima sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte subali’t binawian din ng buhay.
Nalamang naaresto naman ng mga rumespondeng tanod si Bravo at nabawi ang ginamit na patalim na kapwa isinuko sa pulisya kalaunan.
Nahaharap sa kasong murder si Bravo habang nakakulong sa naturang istasyon.
The post 1 todas sa away sa sirang mikropono appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: