Facebook

Marian at Dingdong dream project ang ‘Jose & Maria’s Bonggang Villa’

Ni BLESSIE CIRERA

NGAYONG May 14, mapapanuod na sa GMA Network ang pagbabalik-tambalan at kauna-unahang sitcom ng Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Jose & Maria’s Bonggang Villa.
Nagsanib-pwersa ang GMA Network at APT Entertainment para maihatid ang sitcom na ito na ngayon lang matutunghayan kina Dingdong at Marian matapos ang mga ginawa nilang seryeng drama, romance, etc.
Tsika nga ni Marian, dream project daw nila ito.
“Isa ito sa mga pinangarap namin, lalo na sa akin kasi ang tagal ko nang hindi lumabas sa primetime. Hindi ako makapaniwala na totoo na ito, malapit nyo nang mapanuod sina Maria at Jose,” sey ni Marian.
Nagpapasalamat naman si Dong sa GMA at APT sa kanilang partnerhip.
“Na-realize namin naging tahanan namin ang GMA sa nakalipas na dalawang dekada at forever grateful kami sa tiwala na binigay nyo sa amin. This is also very personal to us dahil dream namin ito, na makasama ulit ang isa’t isa sa trabaho, na makabilang sa isang show that we are also part of co-producing and creating.”
Kakaiba rin ang nasabing serye para kay Dingdong na sa unang pagkakataon ay magpapatawa ng viewers na hindi pa niya nagagawa kaya malaking hamon din ito para sa kakayahan ng actor.
Makakasama ng mag-asawa sa Jose & Maria’s Bonggang Villa sina Ms. Shamaine Centenera, Pinky Amador, Benjie Paras, Mike ‘Pekto’ Nascua, Zonia Mejia, Jamir Zabarte at iba pa mula sa direksyon ni John ‘Sweet’ Lapus.
Kaya simula sa Mayo 14, tumutok na sa masayang pamilya at barkadahan sa Jose & Maria’s Bonggang Villa sa Kapuso Network.

The post Marian at Dingdong dream project ang ‘Jose & Maria’s Bonggang Villa’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Marian at Dingdong dream project ang ‘Jose & Maria’s Bonggang Villa’ Marian at Dingdong dream project ang ‘Jose & Maria’s Bonggang Villa’ Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.