Ni GERRY OCAMPO
SA ginanap na media conference para sa relaunch ng Bubble Gang ay natanong si Michael V kung ano ang sekreto ng longest running gag show sa telebisyon na hanggang ngayon ay inaabangan every Friday, 9:40 ng gabi sa GMA 7, samantalang ang dami ngayong platform na katulad din ang konsepto?
“Kung anong nangyayari sa paligid, yun talaga yung nire-reflect nung show,” say ni Bitoy.
“Pero that doesn`t mean na maiiwan na ganun lang. We have our creative license para gumawa ng additional content na sasaluhin naman ng society and social media. Kumbaga para siyang circle of life.”
Hindi na rin daw sila limited sa mga nangyayari sa paligid lang, nag-adopt na rin sila sa mga nangyayari sa social media.
Inamin ng cast ng Bubble Gang sa gagawing relaunch ng gag show ay kabado sila kung sino sa kanila ang mananatili at kung sino ang mawawala para palitan ng mga bagong talent ng GMA 7.
Sina Tuesday Vargas, Kim de Leon at Dasuri Choi ang mapalad na mapapasama sa relaunch ng gag show na masayang-masaya dahil matagal na raw nilang pangarap mapasama sa longest running gag show.
Samantalang inamin ni Michael V na si Leni Robredo ang kanyang binoto sa katatapos na election. Kung ang ibang pinklawan ay hindi matanggap ang pagkatalo ng kanilang manok, si Bitoy ay buong pusong tinanggap na si Bong Bong Marcos ang nanalo sa May 9 election.
Gumawa pa siya ng tula tungkol dito na nag-viral at umani ng iba‘t ibang reaction sa netizens.
“Kulay PULA ang nanalo, Oo, tanggap ko na ito.
“Kahit PINK ang dugo ko mananaig ang RESPETO.
“Lahat kayo na bumoto at nagluklok sa kanya sa trono.
“Kayo ang boses ng Pilipino kaya mananahimik na `ko,” simula ni Bitoy.
“Hindi politiko kundi hamak na artista.
“Larawan at tula; yan lang ang hawak kong sandata.
“Wala akong ambisyon na mamulitika.
“Baka manalo lang ako, hala, naloko na!” say pa ni Bitoy.
“Comedy at entertainment” hanggang do`n lang ang ambisyon.
“Hindi “puwesto sa gobyerno” kundi “time slot sa telebisyon”
“Ito ang mundo ko sa mahigit tatlumpung taon.
“At wala `kong dahilan na baguhin `yon ngayon,” patuloy ni Bitoy.
“Lahat ng may gusto nito, ito mismo ang makukuha n`yo.
“Pero hindi ako bulag at dalawa ang mata ko.
“Isang mata sa bayan at isang mata sa `yo.
“Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita binoto.
“Sige na, move on na, `Wag nang maghanap ng butas.
“Ang trabaho n`yong naiwan naghihintay pa rin yan bukas.
“Ngayon alam na natin kung sino lang ang malakas.
“Mabuhay ang bagong Pangulo ng Pilipinas,” kabuuan ng tula ni Michael V.
***
Solenn at Nico handa na magkaroon ng second baby
Nakahanda nang magka-baby uli si Solenn Heussaff dahil two years old na ang panganay nila ng mister na si Nico Bolzico na si Thylane Katana or Tili.
“Yes! Ready na kami for baby number 2. The clock is ticking and i`m not getting any younger. Kaya okey na magkaroon ng isa pang baby,” say ni Solenn who turns 37 sa July.
Ayon pa kay Solenn, tama lang daw yung two or three years ang age gap sakaling magkakaroon ng kapatid ang kanilang panganay na si Tili.
Last May 7, pinabinyagan na nina Solenn at Nico si Tili at pinost ni Nico sa Instagram ang isang short video ng binyag ng kanilang anak.
January 1, 2020 pinanganak si Tili at dahil sa pandemic ay na-delay ang binyag ng kanilang panganay.
Samantalang ang pinsan naman ni Tili na si Dahlia na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff ay bininyagan last March.
Ngayon pa lang ay hinuhuluan ng karamihan na susunod sa yapak nina Anne at Solenn ang kani-kanilang anak.
The post Michael V gumawa ng tula pa sa mga talunang Pinklawan gaya niya appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: