Facebook

‘Darna’ ni Jane tila inaalat na makalipad; Nadine binash sa pagkatalo ng sinuportahang pangulo

Ni JOVI LLOZA

EXTENSION! Ito ang naaamoy ng netizens sa Ang Probinsiyano ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay.
Kaya ang inaasam-asam na paglipad ni Darna ay tila ‘di na muna matutuloy.
Baka naman pinaghahandaan talaga ang Darna TV series ni Jane De Leon.
Work hard pa naman si Jane sa kanilang tambalan ni Joshua Garcia.
May bago naman daw kasi idadagdag sa action series ni Coco kahit hindi naman ganun ka-big star.
Hahaba pa tuloy Ang Probinsiyano na may sitsit na tsika na hanggang July pa bago ito matigbak sa ere.
Mas lalo naman nae-excite ang mga tao sa paglipad ni Darna.
Kailangan na nga raw ipalabas ang Darna at baka mawala na ang pananabik ng mga tao na panoorin itong unang pagbibidahan ni Jane.
Sa kabila na magkasama sina Joshua at Jane sa iconic Darna series, never naman silang naintriga na may something.
For sure, nakabuo sila ng isang pagkakaibigan sa nasabing project.
***
Nadine, di nagpatinag sa pang ookray ng basher patuloy sa paninindigan
INOKRAY-okray si Nadine Lustre ng basher sa pagkatalo sa Presidential race ng kanyang sinusuportahan.
Paano na nga raw ang karera ng aktres after ma- lotlot ang kanyang candidate.
Si BBM naman ang nangunguna sa bilangan sa katatapos na eleksyon.
Sabi nga raw ng basher, “i told you malo-lose ang kandidato mo’.
Nagpanggap pa nga na producer ang basher ni Nadine.
Tuluyan na nga raw babagsak ang career nito sa pagsuporta kina VP Leni at Kiko.
Simula pa lang naman ay nagpahayag na ang ex labs ni James Reid sa Leni-Kiko tandem.
Kung ang ibang KakamPink artists na sumuporta kay Leni ay walang pagsisisi na sumuporta sa ating VP, ganun din daw si Nadine.
Napag alaman naman ni Nadine na nagpanggap lang na producer ang kanyang basher kaya may patutsada ito, ‘The nerve of this person.’
Well, well, well…’Yun na!

The post ‘Darna’ ni Jane tila inaalat na makalipad; Nadine binash sa pagkatalo ng sinuportahang pangulo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Darna’ ni Jane tila inaalat na makalipad; Nadine binash sa pagkatalo ng sinuportahang pangulo ‘Darna’ ni Jane tila inaalat na makalipad; Nadine binash sa pagkatalo ng sinuportahang pangulo Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.