Facebook

Kahit matagal na ‘di nagsasama sa project…Bea masaya na may interes pa rin sa kanila ni Lloydie ang fans; Zoren asiwa sa love scene sa mas batang kapareha

Ni WALLY PERALTA

ABALANG-abala ngayon si Bea Alonzo sa kauna-unahang seryeng ginagawa niya sa Kapuso Network na makakatambal niya si Alden Richards, kasama rin sina Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi, ang Pinoy adaptation ng hit na Koreanobela na “Start Up”.
Maraming supporters ni Bea ang natuwa at may mapapanood na silang show ng kanilang idolo pero marami rin sa followers niya at sa tambalan nila ni John Lloyd Cruz ang nagwo-worry kung may chance pa ba na mapanood nila muli ang dalawa sa isang proyekto sa GMA7 lalo pa nga’t pareho silang nasa naturang network.
Pagkatapos kasi ng “Start Up” nila ni Alden ay balitang isusunod na agad ang shooting naman ng pelikulang first time nilang pagsasamahan, ang “Special Memory” na Philippine adaptation ng isang Japanese TV drama titled “Pure Soul”, na naging source rin ng hit na South Korean movie “A Moment To Remember”.
The movie will be co-produced by Viva Films, GMA Pictures, and APT Entertainment. Written by Mel Del Rosario, it will be directed by Nuel Nava.
So ano na kaya ang chance na project naman nila ni LLoydie, kailan naman kaya ito mangyayari? Bukas naman si Bea sa balik-tambalan nila ni John Lloyd after so many years.
“Lahat ito ay nagdedepende pa sa time naming dalawa kung magtutugma at nagdedepende pa rin sa script kung mababasa na ni John Lloyd and he will agree to doing it. But it’s very, very exciting kasi nakaka-flatter din na kahit na sobrang tagal na naming magkapareha, hindi pa rin nawawala ‘yung interes nila sa amin,” sabi ni Bea.
***
AT the age of 50 and almost 3 decades sa showbiz ay isa pa rin sa aktibong leading man sa showbiz industry si Zoren Legaspi, na ngayon ay abala sa bago niyang seryeng pinag-uusapan ngayon sa Kapuso Network, ang “Apoy Sa Langit” kasama sina Maricel Laxa, Mikee Quintos at ang baguhang si Lianne Valentin at dinidirehe ni Laurice Guillen.
Sa naturang teleserye ay may mainit na eksena si Zoren na makakapareha niya ang baguhang si Lianne na halos lagpas sa kalahati ang edad nila. Paano kaya dinala ni Zoren ang naturang love scene katambal ang isang new young actress na halos kasing edad na ng kambal niyang anak na sina Mavy at Cassy?
“The first few days, di ko talaga siya kinakausap. Kaya siya natakot, akala niya ayaw ko sa kanya. Then when we were doing our love scene, nakaramdam ako ng ibang klaseng hinga niya, parang hihimatayin,” say ni Zoren.
Ano naman kaya ang ginawa ng magaling na aktor para maibsan ang kaba ni Lianne?
“Pareho kaming very awkward, kasi hindi kami comfortable sa isa’t isa. Naramdaman ko yung takot niya, yung fear, so kinausap ko siya. I talked to her in one corner, sabi ko, kumusta ka na? Magba-back out ka na?” I won’t reveal anymore kung ano details ng mga napag-usapan namin. Basta I’m trying to build a relationship para sa set hindi kami awkward. Direk Laurice helped us para maalis yung pagka-ilang at mas ma-relax kami sa isa’t isa,” dagdag na say pa ni Zoren.

The post Kahit matagal na ‘di nagsasama sa project…Bea masaya na may interes pa rin sa kanila ni Lloydie ang fans; Zoren asiwa sa love scene sa mas batang kapareha appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kahit matagal na ‘di nagsasama sa project…Bea masaya na may interes pa rin sa kanila ni Lloydie ang fans; Zoren asiwa sa love scene sa mas batang kapareha Kahit matagal na ‘di nagsasama sa project…Bea masaya na may interes pa rin sa kanila ni Lloydie ang fans; Zoren asiwa sa love scene sa mas batang kapareha Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.