Ni WALLY PERALTA
MUKHANG mahihirapan na si Sanya Lopez na agad-agad na makalabas sa kanyang karakter bilang first yaya o si Melody sa top rating primetime serye ng Kapuso Network na “First Lady” nila ni Gabby Concepcion.
Ayon kay Sanya, sa ngayon daw ay ‘Melody’ o first yaya na ang tawag sa kanya ng mga tao tuwing nasa public place. Flattered naman si Sanya dahil sa nagugustuhan ng tao ang kanyang role.
Pero nitong nakaraang eleksyon ay mas malala pa ang naging karanasan ni Sanya bilang si first yaya nang bomoto siya kasama ang kapatid na si Jak Roberto. Sa hindi inaasahanG pagkakataon ay pinagkaguluhan si Sanya ng mga botanteng narororoon at sinisigaw ang kanyang pangalan na first yaya na para bang nasa isa siyang kampanya. Dumami tuloy ang mga nag-usyoso at gustong magpa-selfie kay Sanya na naging sanhi para mas lalong magulo ang pila.
Sa ganitong pangyayari ay minabuti na lang ng mga nasa voting precinct na paunahin nang bomoto si Sanya para maiwasan ang pagkakakumpol-kumpol ng mga tao at maayos na mairaos ang botohan.
“Tinatawag nila akong ‘Acosta! Acosta!’ gaganu’n sila, ‘First Lady,’ ‘Madam president’ pa ‘yung tinawag last time. So nakakaaliw talaga. Sa lahat ng dinadaanan namin ang tawag na sa akin Melody. Nahiya po kami. Humingi naman po kami ng pasensya sa mga tao at nakakatuwa po na naiintindihan naman po nila,” sabi ni Sanya.
***
HINDI na itinago pa ni John ‘Sweet’ Lapus ang kanyang pag-iyak sa labis na kaligayahan nang makarating sa kanyang kaalaman na siya ang napisil ng mga bida sa bagong comedy show ng GMA7 na ‘Jose & Maria’s Bonggang Villa’, ng mag-asawang Marian Rivera & Dingdong Dantes, na maging direktor ng kanilang show.
“Naiyak ako dahil noong panahon na ’yon, tulad nating lahat, ay nababaliw na rin ako. Answered prayer ’to at the same time,” he said. “Biyaya ng Panginoon ang buong project na ito,” say ni Sweet.
Hindi na rin kinahiya ni Sweet ang katotohanan na isa na siyang ‘laos na artista’ at niyakap niya ang katotohanan na ito na naging sanhi para mas lalong ma-inspired ang host comedian na maging isang direktor.
“’Yung mga kaibigan ko, sinasabi na ’wag kong sinasabi ’yon. No, kailangan kong aminin because dahil doon ko na-embrace itong bagong career ko as a director.
In-embrace ko siya and ’yung energy, tuluy-tuloy na. ’Yung mga project, tuluy-tuloy na dumating. Tinanggap ko na ’yung katotohanan. Ang daming bagong baklang artista,” dagdag pang say ni ‘Sweet’.
The post Sanya pinagkaguluhan nang bumoto kaya pinauna na; Sweet tanggap na laos na appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: