TINIYAK ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pag-uukulan niya ng panahon ang pagtatalaga ng magagaling na economic team sa bago niyang administrasyon.
Pahayag ni Marcos, alam daw niya kung gaano kahalaga ang economic team lalo na at ito ang mag-aasikaso sa pagbangon ng ekonomiya hanggang sa mga susunod na taon.
Una nang inihayag ng ilang grupo ng mga investors at negosyante na “wait and see” sila kung ano magiging economic policies ng Marcos administrasyon lalo na at hindi raw masyadong nailatag ang kanyang plataporma de gobyerno noong kasagsagan ng halalan.
Nilinaw naman ni Marcos Jr. na masusi ang gagawing pagpili ng kanyang magiging miyembro ng gabinete na magmumula sa kanyang mga core group o close advisers na mga eksperto sa iba’t ibang larangan.
Samantala, sinabi na rin ng tagapagsalita ni Marcos, na nakatakdang makipagpulong ang kanilang transition team sa counterpart naman nila sa Duterte administration para sa maayos na turnover sa pamamahala ng gobyerno. (Vanz Fernandez)
The post BBM: BRILLIANT ECONOMIC ADVISERS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: