INAASAHANG sa susunod na linggo ay maiproklama na ang mga nanalong senador.
Sinabi ni Comelec Spokesman Atty. Rex Laudiangco, mas maaga ang magiging proklamasyon sa mga nanalong senador kaysa sa party-list groups.
Ito ay dahil may formula aniya sa pag-compute sa total votes na makukuha ng bawat party-list, alinsunod sa Party-list Act.
Alinsunod sa batas, 63 seats ang nakalaan sa Kongreso para sa party-list groups.
Pahayag pa ng Comelec, magiging proportionate ang pamamahagi ng seats para sa party-list groups.
Samantala, nilinaw naman ng poll body na magiging limitado lamang ang papayagan nila na maaaring isama ng mga ipoproklamang senador para matiyak na masusunod ang minimum public health protocols.
The post Mga nanalong senador ipoproklama na sa susunod na linggo – Comelec appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: