Facebook

Booster shot guidelines sa 12-17 age group, posibleng ilabas sa Lunes — DOH

SA Lunes, Hunyo 20, ay maaaring ilabas ang guidelines para sa rollout ng COVID-19 booster shots para sa mga menor de edad na kabilang sa 12-17 age group.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Myrna Cabotaje nitong Sabado na ang mga panuntunang inirekomenda ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ay naisumite na sa tanggapan ni Health Secretary Francisco Duque III para maaprubahan.

Sa sandaling maaprubahan, inaasahang mailalabas na ang guidelines sa Lunes at posibleng mapasimulan ang pagbabakuna sa Martes.

“We hope it will be out by Monday para maka-start na tayo mga Tuesday siguro kung ready na ‘yung mga ibang kailangan at saka ang ating implementers,” ani Cabotaje, sa panayam sa radyo at telebisyon.

Nilinaw ni Cabotaje na ang rollout ng booster vaccination para sa mga kabataan ay maaaring simulan muna sa mga immunocompromised, at isusunod naman ang natitirang iba pa sa mga susunod na araw.

Pagdating naman sa pagbabakuna para sa mga paslit na anim na buwang gulang pataas pa lamang, sinabi ni Cabotaje na pinag-aaralan pa ng HTAC kung angkop ito sa bansa.

Para naman sa second booster shot para sa adult population, wala pa aniyang sapat na ebidensiya kung kinakailangan ito ng general population.

Sabi ni Cabotaje, sa ngayon ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) ay magbigay lang muna ng second COVID-19 booster shots para sa mga immunocompromised, health workers, at senior citizens. (ANDI GARCIA)

The post Booster shot guidelines sa 12-17 age group, posibleng ilabas sa Lunes — DOH appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Booster shot guidelines sa 12-17 age group, posibleng ilabas sa Lunes — DOH Booster shot guidelines sa 12-17 age group, posibleng ilabas sa Lunes — DOH Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.