Facebook

Family sitcom na “Tols” aarangkada na sa GTV simula Sabado

TIYAK na maghahatid ng katatawanan at mga aral sa buhay ang pinakabago at pinakaunang family sitcom sa GTV na ‘Tols.’
Pinagbibidahan ito nina Kelvin Miranda, Shaun Salvador, at Abdul Raman na gaganap bilang triplets. Kasama rin sa comedy show ang Sparkle comedians na sina Rufa Mae Quinto bilang Mommy Barbie at Betong Sumaya bilang Tuks.
Tungkol ito sa kwento ng Macaspac triplets na sina Uno (Kelvin), Dos (Shaun), at Third (Abdul) na lumaking magkakahiwalay at malayo ang loob sa isa’t isa. Nagbalik-bansa naman ang kanilang ina na si Mommy Barbie matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa abroad. May chance pa kaya na magkaroon ng one big happy family ang mag-iina?
Mapapanood ang “Tols” tuwing Sabado simula June 25, 7:05 p.m. sa GTV.
***
Huling dalawang linggo ng “First Lady” puno ng pasabog at good vibes
Ngayon pa lang ay marami nang nase-sepanx sa nalalapit na pagtatapos ng hit GMA primetime series na First Lady!
Bukod sa napakatamis na pagsasama nina Melody (Sanya Lopez) at PGA (Gabby Concepcion), inaabangan din ng viewers ang mga rebelasyon at pagsubok na kanilang haharapin sa huling dalawang linggo ng serye.
Pero timeout muna sa mga plot twists at rebelasyon dahil ang maids in the palace ay magpapa-impress! Sino kaya ang tatanghaling Binibining Kasambahay ng Palasyo 2022?
Bukod kay Jestoni Alarcon, inaabangan na rin ng Kapuso viewers kung sinu-sino pa ang Kapuso stars na magkakaroon ng special participation sa much awaited finale ng top-rating series.
Tutok lang sa last 10 days ng “First Lady” gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
***
Under the table scene nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin umabot na sa 14 million views!
Trending at usap-usapan ng netizens at viewers ang mainit na eksena nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin sa GMA Afternoon Prime series na Apoy Sa Langit.
As of this writing, umabot na sa 14 million views ang eksenang ‘May Milagrong Ginagawa sa Ilalim ng Mesa’ na posted sa official GMA Facebook page.
Mapapanood dito sina Cesar (Zoren) at Stella (Lianne) na patuloy pa rin ang pagtataksil at pagpapaikot kay Gemma (Maricel Laxa).
Bentang-benta sa netizens ang eksenang ito na bilib sa husay nina Zoren at Lianne sa pagganap ng kanilang mga karakter. Aliw na reaction naman ng isang Facebook user sa dialogue ni Zoren sa naturang trending scene, “Kaya mahirap yung may mga gout eh.”
Samantala, mas titindi ang mga susunod na eksena sa serye dahil mabubuko na sa wakas ang lihim nina Cesar at Stella. Ito na kaya ang katapusan ng kanilang panlilinlang kina Gemma at Ning (Mikee Quintos)? Mapapanood ang Apoy Sa Langit mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime. (BKC)

The post Family sitcom na “Tols” aarangkada na sa GTV simula Sabado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Family sitcom na “Tols” aarangkada na sa GTV simula Sabado Family sitcom na “Tols” aarangkada na sa GTV simula Sabado Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.