
Ni ROMMEL PLACENTE
MAY balitang nakuha na ng GMA 7 ang rights para maipalabas sa kanila ang The Voice Kids Philippines, na napanood sa ABS-CBN mula May 2014 hanggang November 2019, at isa unano si Sarah Geronimo sa magiging coach pa rin dito.
Meaning, babalik na unano sa Kapuso network ang Pop Princess. Pero, wala pala itong katotohanan dahil mananatili pa rin sa ABS-CBN ang singer-actress.
Ito ay ayon sa isang malapit kay Sarah. Wala umanong balikang mangyayari. In fact, simula sa July ay mapapanood na ulit sa ASAP Natin ‘To ang misis ni Matteo Guidicelli.
Pero isang beses sa isang buwan lang mapapanood si Sarah sa Sunday noontime musical-variety show ng Kapamilya Network.
Ang dahilan ay dahil nawiwili siya sa pagiging misis ni Matteo at nakatutok din ang atensiyon niya sa recording ng mga bagong kanta para sa kanyang bagong album.
At least, hindi naman mawawalan ng exposure si Sarah. Mapapanood pa rin siya sa telebisyon kahit once a month nga lang. ‘Yun naman ang importante, na nakikita pa rin siya sa telebisyon ng publiko, lalo ng kanyang mga tagahanga, ‘di ba?
***
MUKHANG magiging pantasya na ng mga kababaihan lalo na mga miyembro ng ikatlong lahi ang singer na si Darren Espanto. Ibang-iba na kasi ang itsura niya ngayon. May pictorial siya na shirtless at ang ganda na talaga ng kanyang katawan, may abs siya, ha!
Unti-unti nang natutupad ang sinasabi niya noon sa mga interview niya, na gusto niyang makita ng mga tao ang “a different Darren.”
“We started doing this po last year when I got back from Canada. Pagbalik ko po ng March, my team and I sat down and we decided na it’s time to kind of showcase a different Darren in terms of his image and everything—yung styling ko po, yung music ko and yung appearance ko po.
“That’s why a lot of people were kind of shocked with my previous birthday pictorial na naka-sando lang ako kasi hindi daw yon yung nakikita nilang Darren and I think that was a good start,” sabi ni Darren sa interview.
Pursigido pa si Darren na mas pagandahin pa ang kanyang pangangatawan ngayong taon at magpunta sa gym. Kaya lang, hindi niya yun magagawa since wala siyang time.
“May ginagawa din po kasi akong new series sa ABS-CBN so nawalan ako ng time dahil naka-lock-in kami sa Baguio,” rason niya.
The post Sarah mananatili sa Kapamilya; Darren bagong pantasya ng mga bebot at beki appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: