Facebook

Sarah balik-Kapuso nga ba?; TNT finalist Julius Cawaling bigatin ang mga guest sa concert

Ni PETER LEDESMA

KALAT na sa social media ang balitang magiging Kapuso na uli si Sarah Geronimo. Matatandaang after manalo noon ni Sarah bilang grand winner ng “Star for A Night” sa IBC-13 hosted by Regine Velasquez, napanood muna sa Sunday Musical Variety show ng GMA7 bago ito napanood at naging contract star ng ABS-CBN. Ngayon ay umugong ang balita na pipirma na ng kontrata si Sarah sa GMA, at nakatakdang mag-host ng isang programa. May lumabas din sa social media na maaring maging judge uli ng The Voice PH si Sarah dahil nabili na umano ng Siyete ang franchise ng The Voice.
Nauna nang magkaroon ng franchise ang Kapamilya network ng The Voice at napanood ng mahabang panahon sa said TV station. Wala pang kumpirmasyon kung nasa GMA na nga ba ang The Voice pero ang sigurado raw ay ang pagbabalik ni Sarah sa Kapuso at makakasama pa nito sa pagpirma ng kontrata ang mister na si Matteo Guidicelli.
Sasamahan sila ni Boss Vic del Rosario sa pakikipag-meeting sa mga top executives ng GMA. Parehong tumatayong manager nina Sarah at Matteo si Boss Vic.
***
FIRST solo concert pa lang ng TNT 3 Grand Finalist at Artist ng RJA Productions, LLC na si Julius Cawaling ay bigatin na ang mga guest nito sa kanyang “Julius Beyond Compare” Mini Solo Concert.
Kinabibilangan ito nina Mitoy Yonting, Anton Diva, Ayegee Paredes, at Marinel Santos. Kasama rin sa magpe-perform si Hazelyn Francisco with Multi-Vitamins Band and other special guests. Well, ready na ba si Julius to perform sa maraming crowd na siya mismo ang bida sa mini solo concert niyang ito sa August 6 2022, Sabado 8 PM na gaganapin sa Rico’s Bar & Restaurant sa Metrowalk Pasig?
Sagot ni Julius, yes handang-handa na siyang pasayahin ang kanyang fans and supporters sa gabi ng kanyang show na marami raw siyang pasabog na sorpresa. Actually matagal na raw niyang pangarap na magkaroon ng solong konsiyerto na finally ay natupad na nga.
“One of my dreams as a performer is to have my very own solo concert.
“Hanggang isang araw, while I’m praying I saw the light…ops hindi yung light (heaven) na yun. I saw a spotlight na naka-focus sa akin. Siguro nga eto na yon, let’s make it happen.
“To all my friends and friends, my Julius Squad, my JBC Kumurets and sa lahat ng naniniwala sa akin, samahan niyo ako sa pangarap kong ‘to…asahan nyong walang katulad na performance ang ibibigay ko sa inyo,” pasasalamat at pag-iimbita pa ni Julius.
By the way, ang Musical Director ng Julius Beyond Compare ay si Jerrico Cruz Manijayme at si Mel Feleciano ang director. For ticket inquiries, you may call the ff: Molly Avejar-09089836258, Cath Capanang-09253228657, and Maribel Hernandez-09988644678. Ticket Price is P1200 with free drink. Mapapanood niyo pala si Julius, sa KUMU para sa kanyang Livestream Campaign Finale. And wow, umaabot sa 100K ang livestream views ng said recording artist na ang debut single na “Ikaw Pa Rin” composed by Nathaniel Cabanero ay pwede nang ma-download sa SPOTIFY.
Vocalist din si Julius ng Arpie & D’ Multivitamins./ Life- Changer of Feed Hungry Minds.
***
Movie Poster Ng “The Surrogate” Na Produced At Dinirek Ni Reyno Oposa May Mystery
Isa ang inyong columnist sa maraming pumuri sa layout ng movie poster ng bagong film project ni Direk Reyno Oposa na “The Surrogate: Sperm Donor/Baby Maker.”
Yes, maliban sa maganda ay misteryosa ang dating ng nasabing poster at takaw pansin agad ito nang i-post ni Direk Reyno sa social media. Very proud ang kaibigan naming director sa obra niyang ito na pinagbibidahan ng mga bago niyang tuklas na sina Andrew Lucas at Kate Denise. Senswal at drama movie ang The Surrogate at napapanahon ang pelikulang ito na intended for FAMAS 2022 short film category. Kasama rin sa cast sina Jek Jumawan, Urduja Best Actress Elizabeth Luntayao, PETA Actress Cecil Castillo, PJ Quintos, Thania Pukutera, at Ern Antonio. Si Direk Reyno ang sumulat ng istorya ng The Surrogate. Associate directors niya sina Jessamine Rhae Maranan at Buboy Pioquinto. Ito ay handog ng Ros Film Production.

The post Sarah balik-Kapuso nga ba?; TNT finalist Julius Cawaling bigatin ang mga guest sa concert appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sarah balik-Kapuso nga ba?; TNT finalist Julius Cawaling bigatin ang mga guest sa concert Sarah balik-Kapuso nga ba?; TNT finalist Julius Cawaling bigatin ang mga guest sa concert Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.