
Ni BETH GELENA
SA social media account ng @Mavx sproductions may posted photo sila na larawan nina Gerald Anderson at Kylie Padilla.
Ang caption na nakalagay, “COMING SOON ! #tatakmavx”
Marami naman ang nagkomento na bagay ang dalawang artista na pagsamahin.
Request lang nila ay action sana mas bagay.”
May nagsasabi namang, “Gerald Anderson ang lalaking walang pahinga. He’s so blessed! OMG.”
Which is true naman. Imagine, ipapalabas pa lang ang katatapos nilang gawing teleserye with Ivana Alawi.
Meron pa rin siyang nakabangko na series with Gigi dela Lana na mas nauna pa niyang ginawa kesa yung kay Ivana, heto at may bago na naman siyang proyekto.
About Kylie naman ang comment, ang lakas ng appeal ni Kylie? Grabe siya. Feeling ko mas sisikat siya now.”
“In fairness may chemistry, tisoy at tisay.”
***
SEKRETONG RELASYON NI KONG SANDRO SA SEXY STAR BUKING
Parehong um-attend ng Oath Taking ni Inday Sara Zimmerman Duterte bilang bagong Bise Presidente ng Pilipinas ang dalawang incoming representatives — Bacoor Represenrative Lani Mercado at Ilocos Norte representative Sando Marcos.
Si Cong. Sandro ay anak ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Binati ng aktres-pulitiko si Sandro.
Aniya: “Hello, Sandro sabay sabing, “Ang girlfriend mo pala is taga-Bacoor. Nakuwento ni Bryan sa akin.”
Si Bryan ang panganay na anak nina Lani at Senator Bong Revilla.
Nakangiti namang sumagot ang anak ni BBM: “Yes po.”
Habang sila ay naglalakad, bumulong si Sandro kay Lani at sinabing, “But atin-atin lang ‘yan, ha.” Sagot naman ni Lani, “Yes, Sir.”
Narinig ni Sen. Bong ang pasekretong anasan nina Sandro at misis niyang si Lani.
Tinukso ni Bong si Sandro, “Ahhh…. May sikreto ka, ha!”
Ang sinasabing girlfriend ni Sandro ay ang sexy star na si Alexa Miro. Hindi inaasshang ang sekreto ng dalawang Kongresista ay mabubulgar agad sa publiko.
Sa.mismong FB Live ni Sen. Bong ay mabubuking na may sekretong girlfriend si Sandro.
Hindi inaasahang maisapubliko ang dapat sana’y private conversation ng dalawa sa Facebook Live ng mister ni Lani.
Ayon naman sa kampo ni Alexa, magkasintahan na ang sexy star at si Sandro taong 2021 pa.
Lihim pa nga lang daw ang kanilang relasyon.
May hindi umano pabor sa relasyon ng couple, pero hindi na nabanggit kung sino.
The post Gerald at Kylie swak magtambal, tisoy at tisay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: