
Ni WALLY PERALTA
BISI-bisihan ngayon sina Lovi Poe at Piolo Pascual sa promo ng nalalapit na pagpapalabas ng kauna-unahang serye na ginawa nila sa Kapamilya, ang Pinoy adaptation ng South Korean highly anticipated TV series na “Flower of Evil”.
Hindi lang sa telebisyon o shows ngarag sina Piolo at Lovi sa pagpo-promote kundi maging sa kanya-kanyang social media account.
May isang larawan na ini-upload si Lovi sa sariling socmed account na makikita na sweet ang dalawa at may malagkit na tingin si Lovi sa kanyang leading man.
Ang naturang larawan ay pinost ni Lovi para sa promo naman ng paggu-guest nila ni Piolo sa noontime show na ‘Its Showtime’ at tinawag pang ‘mahal’ ni Lovi si Piolo.
“Yes, mahal? Daan tayong @itsshowtimena mamaya? @piolo_pascual #FlowerOfEvil,” say ni Lovi sa caption niya sa photo nila ni Papa P.
And unluckily ay nakita ito ng US-based boypren ni Lovi na si Montgomery Blencowe at hindi na napigilan pa ng huli na mag-comment sa naturang sweet photos ng dalawa na nilagyan pa ito ng angry emoji.
“So this is what you’re up to when I’m not around,” komento ni Montgomery.
Hindi naman pinalagpas ni Lovi ang naturang komento ng boypren and feeling niya ay may selos factor ito kaya sinagot niya agad ang naturang komento with matching smiling emojis pa.
“LOLLOL with 2 laughing emojis.”
***
HAPPY si Gabbi Garcia sa naging resulta ng first seryeng ginawa nila ng reel and real life boypren na si Khalil Ramos, ang ‘Love You Stranger’. Maraming followers ang dalawa na happy para sa magandang takbo ng karir ng magdyowa. Kaya ganun na lang ang laking gulat ng mga supporters ni Gabbi nang bumuluga sa socmed nito ang mga larawan na tila basa ang kanyang buhok and topless while wearing PVC jeans.
In the photos, Gabbi looked alluring as she sported a wet, messy hair look complemented by her fierce face.
Kaya marami ngayon sa followers ni Gabbi ang nagtatanong kung magkakaroon na kaya ng change image si Gabbi, from pa-tweetums into more daring and sexy one?
Sa naturang daring photoshot ni Gabbi na kuha ng celebrity photographer na si Shaira Luna ay tila may pagbabadyang pagbabago sa mga nalalapit na araw sa karir ng Kapuso young actress, at nilagyan niya pa ito ng makahulugang caption na: “Eyes on me”.
The post Lovi nagselos ang foreigner bf sa kaswitan kay Piolo; Gabbi bye pa-tweetums, hello paseksi na appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: