Facebook

SINDIKATONG CURFEW CONNECTIONS SA DEPED?

Noong bata pa ako ay umiiral na ang SOP o SMILE OPERATING PERA… Este, STANDARD OPERATING PROCEDURE.., na ang mga proyekto sa gobyerno ay matik ang “PAUNANG LAGAY” para makakuha ang sinumang KONTRATISTA.., at siyempre pa ang komisyon ay depende sa halaga ng proyekto o kaya ay depende sa gustong makukomisyon o pagiging gahaman sa PERA ng umaaktong TULAY para sa mga GOVERNMENT OFFICIAL.

Pero sa DEPARTMENT OF EDUCATION (DepEd) ay iba ang kostumbre ng sindikatong CURFEW CONNECTIONS (CURCON) na malakas daw ito kay INCOMING VICE PRESIDENT SARA DUTERTE na itinalaga para pamunuan ang naturang departamento.

Ayon sa isang PROBINSIYANONG IMPORMANTE ay kakaiba raw ang tikas ng mga bumubuo ng CURCON.., dahil kung pumustura ang mga ito ay matatamis mangusap.., magarang mananamit at malakidlat sa bilis kapag PERA na ang pag-uusapan.

Katunayan umano ay nagawang matapyasan ng CURCON ng tumataginting na P25 milyon ang isang KONTRATISTA kapalit ng pangakong sa kanya igagawad ni INCOMING DepEd SECRETARY SARA DUTERTE ang proyektong pest control ng mga silid aralan sa 47,612 public schools sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang totoo, sadyang nakaka-engganyo ang alok ng naturang sindikato, lalo pa’t mahigit P2 bilyon ang halaga ng naturang proyektong ikinasa ng gobyerno sa gitna ng mga ulat kaugnay sa pagdami ng mga kaso ng DENGUE sa iba’t ibang panig ng bansa.., na kung susumahin sa simpleng pagkukwenta ay lumalabas na wala pang 1% ang paunang biyaya.

Kaya naman napapailing ang PROBINSIYANONG IMPORMANTE kasi…, mukhang mauuwi lang sa wala ang inilabas na pera ng NEGOSYANTENG natakam sa malaking kita sa sandaling umupo na sa DepEd si VP SARA.

Bakit nga ba napapailing ang PROBINSIYANONG IMPORMANTE? Minsan na kasing humugong ang operasyon ng naturang sindikato.., na tumanggap ng SOP, pero hindi naman natuloy ang proyekto.., kaya ang resulta ay lumbay at nasiphayo ang NEGOSYANTENG NAGOYO ng CURCON.

Ang modus ng CURCON ay magpakilalang “PANYERO” ng isang taong malapit sa puso ni VP SARA. Bukod diyan ay tataningan pa ang target nilang NEGOSYANTE na bilisan ang pagkilos lalo na sa PERANG PANLAGAY upang hindi abutin ng CURFEW.., kasi baka maunahan ng ibang ASPIRING BUSINESSMEN.., na kung kikilatisin ang pagkatao ng mga CURCON ay mapapanganga ka.., kasi totoo naman palang may kinakapitan sa kampo ng susunod na VICE PRESIDENT.

Ang tanong ngayon.., may basbas nga ba sila ni VP SARA? Ang malinaw na kasagutan ayon sa PROBINSIYANONG IMPORMANTE ay WALA.., dahil kung mayroon, bakit yung pangakong proyekto para sa unang kinausap ng naturang grupo ay biglang napurnada?

Eh kasi, nabalitaan daw noon ni DAVAO CITY MAYOR na ginagamit ng CURCON ang kanyang pangalan sa kabi-kabilang diskarteng bulilyaso. Kaya siya mismo ang nagpakansela ng proyektong ipinangako sa KONTRATISTANG TINAPYASAN ng mga kawatan.

Sino ang puno ng sindikato? Well ., ang sabi ng PROBINSIYANONG IMPORMANTE ay ibubulgar umano niya ang mga bumubuo ng CURCON bago sasapit ang CURFEW HOUR.., teka, mukhang matagal nating makikilala to kasi wala naman tayong umiiral na CURFEW sa ating bansa…, maliban na lang kung ipaiiral uli ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ang CURFEW HOUR sa rason na mayroon na namang COVID-19!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post SINDIKATONG CURFEW CONNECTIONS SA DEPED? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SINDIKATONG CURFEW CONNECTIONS SA DEPED? SINDIKATONG CURFEW CONNECTIONS SA DEPED? Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.