
INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na ang old building ng Ospital ng Maynila ay gagawing Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Medicine and Allied Health Services.
Sinabi pa ni Moreno na nilagdaan na niya ang deed of donation, sabay sa pagdiriwang ng 55th year anniversary ng PLM.
Ang nasabing deed ay pormal na nagkakaloob sa PLM ng nasabing lumang gusali.
Matatandaan na ipinangako ni Moreno na gagawin niyang world-class hospital ang Bagong Ospital ng Maynila.
Ipinangako niya rin na gagawin niyang bagong campus ang old OSMA building para sa PLM.
Dahil sa karagdagang pasilidad sa PLM, sinabi ni Moreno na ang lungsod ay maaari ng tumanggap ng mas maraming estudyante para sa iba’t-‘ibang kurso.
Sinabi ng alkalde na ang PLM main campus sa Intramuros ay mababakante kapag umalis na ang College of Medicine.
Nakatakdang pasinayaan ni Moreno at Vice Mayor, na ngayon ay Mayor-Elect Honey Lacuna, ang New Ospital ng Maynila sa June 24, kasabay ng pagdiriwang ng 450th Founding Anniversary ng Maynila. (ANDI GARCIA)
The post Old building ng OSMA, gagawing PLM College of Medicine and Allied Health Services – Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: