Facebook

Mukha raw kasing matanda na ang aktres.. Sue at Diego tinawag na mag-ate sa pagtatambal sa pelikula

Ni BETH GELENA

VERY happy ang aktor na si Diego Loyzaga dahil ang pelikula ni Sue Ramirez titled How to Love Mr. Heartless ay mapapanood din sa International streaming platform.
Sa socmed ng aktor mababasa ang, “Good morning! This is to inform everyone who has been looking forward to the June 17 Vivamax release of our film How to Love Mr. Heartless starring @diegoloyzaga and @sueannadoodles.
“It is not pushing through due to the exciting fact that the film has been acquired by another international streaming platform. We will update you on its new release date on said platform.”
Maganda ang poster ng nasabing movie kaya lang may pansin ang netizen sa kaseksihan ni Sue sa larawan.
“Grabe naman pag ka edit ng behind ni Sue.”
“Parang angle naman sis. Infairness naman sa kanya”
Sabi naman ng isa, “Parang mag-ate.”
Parang hindi naman. Di naman yata nagkakalayo ang agwat ng kanilang edad.
Nag-matured lang kasi ang looks ni Sue dahil sa kanyang role sa The Broken Marriage Vow bilang si Lexi, ang other woman ni Zanjoe Marudo bilang si David.

***
BUGOY ANG BATANG AMA
Napanood namin ang interbyu ni Karen Davila sa dating child actor na si Bugoy Carino.
Sa realidad siya ang matatawag.na ‘Batang Ama’ dahil sa edad 16 ay nabuntis niya ang hinahangaan lang daw niyang volleyball star na si EJ Laure.
Varsity player pa lang si EJ ng University of Sto. Tomas ay nakikita ng laging nasa UAAP audience ang aktor at nanonood.
Hanggang pansamantalang tumigil sa paglalaro ang girl dahil nachismis ngang preggy ito.
Tanong ni Karen, kung ano ang naramdaman ni Bugoy nang malaman na buntis ang girlfriend?
“Natakot po ako, as in.”
Dahil 16 years old going to 17 hindi raw talaga niya alam ang gagawin.
Nu’ng time pa naman daw na yun ay nasa peak na siya ng kanyang career ganun din daw si EJ na isang national player dahil kinuha ng team Foton.
Ang una raw niyang naisip ay ipalaglag ang bata, okey naman daw sa kanyang partner.
Pero sa desisyon daw na yun ay nagdalawang isip siya.
Iyak siya nang iyak lalo at hindi pa niya nasasabi sa pamilya niya ang kanyang problema.
At the end sinabi niya sa family at kinausap ang ama.
Sinabihan daw siya ng ama na ‘walang ba..g kung itutuloy nila na ipalaglag ang bata.
May nagpayo pa raw sa young actor na idemanda niya si EJ dahil menor de edad pa lang siya.
Aniya: “Bakit ko siya idedemanda e ina siya ng anak ko. Hindi ko sila sinunod saka mahal kò siya.”
Tanong uli ni Karen kung sino ang nagbayad sa hospital nang manganak si EJ.
“Dapat po ang magbabayad ay ang Foton, ang team ni EJ. Hndi po ako pumayag gumawa po ako ng paraan. Mabuti na lang po may insurance savings kami sa ABS-CBN yun po ang ginamit, pero malaki pa rin po ang kailangan kasi ceasarean siya, but salamat sa Diyos at nairaos ko rin.”
Kuwento pa ni Bugoy, mabuti na lang daw bago nagbuntis si EJ ay nakapagpatayo siya ng water station business dun daw nila kinukuha ang pinanggagastos.
Pero hindi raw sapat kaya pati ang pago-online selling ay pinasok na rin niya.
Sa ngayon ay three years old na ang anak nina Bugoy at EJ, si Scarlet.
Ayon naman sa partner niyang si EJ, good provider si Bugoy at mapagmahal na ama. A responsible man.
May netizens naman na hindi sinang-ayunan ang pag-interbyu ni Karen sa batang ama.
“Ayaw ko panoorin kasi ayaw ko sila bigyan ng views, pero is Karen romanticizing this relationship? Disappointing.”
“Parang ganon na nga, a journalist like her should know better. Maraming makakapanood na bata at iisipin na okay ang ganitong klaseng relationship.”
“Gusto ko lawakan ang understanding ko at I don’t wanna sound judgmental. Maybe minahal talaga nila ang isa’t isa kasi madami na sila pinagdaanan together at matatag pa rin ang relationship nila.”

The post Mukha raw kasing matanda na ang aktres.. Sue at Diego tinawag na mag-ate sa pagtatambal sa pelikula appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mukha raw kasing matanda na ang aktres.. Sue at Diego tinawag na mag-ate sa pagtatambal sa pelikula Mukha raw kasing matanda na ang aktres.. Sue at Diego tinawag na mag-ate sa pagtatambal sa pelikula Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.