Facebook

Vice Ganda ayaw isipin na ipagpapalit sa iba ni Ion

Ni ARCHIE LIAO

SA panayam kay Vice Ganda sa vlog ni Kaladkaren, natanong ang komedyante kung hindi ba siya natatakot na balang araw ay ipagpalit siya ng asawang si Ion Perez sa ibang babae.Ito ay sa katotohanang kasal na sila sa Las Vegas although hindi ito nire-recognize sa Pilipinas.
Wala namang kaabog-abog na sinagot ng “It’s Showtime” host na ayaw niyang isipin ang ganoong senaryo.
Aniya, mas importante raw sa kanya ang kasalukuyan at kung ano ang meron sa kanila ni Ion sa ngayon.
“Hindi,” ani Vice. “Alam mo kung ba’t hindi ako natatakot? Kasi, hindi ko naman siya iniisip. Hindi ko siya ine-entertain, ‘yung thought. Pangalawa, hindi ‘yun pinaparamdam sa akin ni Ion. At saka, hindi ako masyadong naggugugol ng oras sa pag-iisip ng pwedeng maging problema na hindi pa nangyayari. Mas gusto kong mag-dwell sa masaya, sa now. Ano ba ‘yung ‘now’ namin? Ang ‘now’ namin, masaya kami, wala kaming problema,” dugtong niya.
Dagdag pa niya, tulad ng ibang showbiz couple hindi raw naman perfect ang kanilang relasyon pero feeling niya ay secure naman siya kay Ion.
“Hindi perfect ang relasyon namin. Nagkakabuwisitan kami, nagkakatampuhan, pero hindi kami nag-aaway. Tapos, walang threat sa pagsasama namin, hindi namin nararamdaman ‘yun.”
Kung sakaling dumating daw ang pinangangambahan ng karamihang beki sa pakikipagrelasyon sa lalake, saka na lang daw niya proproblemahin iyon.
“If it happens, eh di it happens. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin. Kung mabaliw ako, eh di mabaliw. Kung humagulgol ako, humagulgol. Di ba? Kung mangaladkad ako ng babae, eh di mangyari. Pero ngayon, bakit ko poproblemahin ‘yun?” pahayag ni Vice.
Sa naturang vlog, ibinahagi rin ni Vice kung bakit kakaiba si Ion sa lahat ng lalakeng nakilala niya.
Aniya, iyong mga ex daw kasi niya ay nahihiyang ilantad siya bilang dyowa noon at animoý nandidiri.
Pero sa kaso raw ni Ion, ito pa raw ang sumama ang loob noon dahil hindi nila maisapubliko ang kanilang relasyon.
Meaning, seryoso talaga sa kanya ang co-host at keber lang ito sa mga babatikos sa kanilang relationship.
Dahil na-realize raw niya kung gaano ka-proud ang partner niya sa kanilang relasyon, ito rin daw ang isa sa mga dahilan kaya nagdesisyon silang lumantad at aminin ang kanilang relationship sa publiko.

The post Vice Ganda ayaw isipin na ipagpapalit sa iba ni Ion appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Vice Ganda ayaw isipin na ipagpapalit sa iba ni Ion Vice Ganda ayaw isipin na ipagpapalit sa iba ni Ion Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.