Facebook

ROSE LIN MAHAL ANG LGBTQIA COMMUNITY

Ni ROMMEL GONZALES

ISANG maybahay at ina, isa si Rose Lin sa mga sumubok na pasukin ang mundo ng pulitika nitong nakaraang eleksyon noong May 9.
Bakit niya naisipang tumakbo bilang Congresswoman sa District 5 ng Quezon City?
“Kasi nga po, sa pinagdaanan ko sa buhay, yung mga nakikita ko, nae-experience ko, na tumutulong ka naman as a private individual pero kulang yung maibibigay mo na tulong.
“Samantala, kung nasa posisyon ka, nasa government ka, mas malawak yung maaabot mong tulungan, mas marami kang magagawa.
“At kung bakit nga ba sa Congress? Dahil siyempre sa Congress, gumagawa kayo ng mga bills, nagpapasa kayo ng batas. Gusto kong gumawa ng batas na lahat ay pantay-pantay.
“Hindi lang sasabihin kundi sisiguraduhin na may mai-implement at mararamdaman ng tao, especially sa health, sa mga kabataan, iyon, kaya gusto ko na sa Congress.
“Para mas malawak.”
Nais ni Rose ng batas sa pagkakapantay-pantay sa karapatang pantao dahil na rin sa pinagdaanan niyang hirap noong siya ay bata pa lamang.
“May na-experience kasi ako na pagdating sa kalusugan… wala kaming pera, nangungutang yung mga magulang ko, hindi na nga sila pauutangin, may masasakit na salita pang ibinigay,” pagbabalik-alaala ni Rose sa kanyang nakaraan.
Kaya ang medical assistance sana ang nais pagtuunan ng pansin ni Rose sakaling pinalad siya nitong nakaraang eleksyon.
“Pagdating sa kalusugan, dapat hindi ka na mamumroblema, kung hindi nandiyan na, may hospital na tatanggap sa iyo, walang downpayment.
“Hindi yung pagdating sa health, kung mayaman ka, you get the best care. Pero kung kapuspalad ka o masakit man sabihin, na kulang ka financially e lulunukin mo’ng pride mo para mangutang, para may pambayad ka. Hindi dapat ganun.
“So iyon ang na-experience ko.
“At tsaka yung scholarship sa mga kabataan, sinasabi nila ang kabataan ang pag-asa ng bayan, bakit namimili?
“Namimili in terms na kailangan siyang may maintaining average. Kung totoong tutulong ka, totoong magbibigay ka ng scholarship, e lahat naman ng kabataan madiskarte.
“Bigyan natin ng equal na oportunidad ang mga kabataan na patunayan ang mga sarili nila. Kasi kagaya ko, nakapasok ako sa isang scholarship pero hindi po batayan yung grado.”
Athletic scholarship sa track and field ang naging susi ni Rose upang makapag-aral noon.
“Kaya nakapagtapos ako ng pag-aaral. Kaya gusto ko na iparamdam at ipakita sa mga kabataan na kung meron kang dedikasyon at determinasyon, kaya mo po, e.
“Hindi yung parati na lang nating naririnig, kahirapan ang hadlang sa pag-unlad natin, I don’t believe that. Hindi ako naniniwala diyan.
“Kaya gusto ko na tularan din po ako ng mga kabataan. Strive harder. Mahirap sa umpisa, umpisa lang yan, malalagpasan natin yan.”
At kahit hindi siya pinalad manalo sa eleksyon, itinutuloy ni Rose ang pagtulong sa kapwa; kamakailan lamang ay isinama pa niya kami sa pagpunta sa Home For The Golden Gays sa Maynila upang magdala ng mga regalong pagkain, tubig, gamot, vitamins, bigas at renta sa kanilang tirahan at marami pang iba bilang ayuda sa mga LGBTQIA members na naninirahan sa naturang tahanan.
“Yes po, para po sa akin kasi kung totoo ang pagtulong mo, sincere ka sa ginagawa mo na may kasamang pagmamahal, hindi lang po yan sa time ng election.
“That’s our moral obligation na kailangan po nating tulungan ang kapwa natin ng walang kapalit.
“Kasi lahat naman po tayo konektado tayo sa bawat isa. Malay mo, yung tinulungan mo, sa susunod ay siya ring tutulong sa iyo. Di ba? Iyon lang po yun, hindi natin masasabi.
“Kaya kung may pagkakataon, kung may kakayahan kang tumulong, then do it now.
“At mahal ko ang mga members ng LGBTQIA community,” nakangiting wika pa ni Rose.
***
KUNG nitong nakaraang taon ay sa Zoom lamang namin nakapanayam si Heart Evangelista para sa online store niyang Pure Living Beauty Company, kamakailan ay face-to-face naming nakausap si Heart para sa first ever branch ng Pure Beauty sa 2nd floor ng Hexagon Corporate Center sa Quezon Avenue.
Bakit niya naisipan na finally ay magtayo ng physical store para sa kanyang mga produkto?
“Actually yung mga members namin they really wanted a store where you know, you can also talk to them, it’s all about you know, talking about the brand, empowering each other.
“We’re also about open our next branch sa Taft, magkakaroon din kami ng maliliit na kiosks sa mga malls.
“So I’m very very excited about that,” nakangitng umpisang kuwento ni Heart.
Ilang miyembro na ba mayroon ang kanilang Pure Living Beauty Company?
“Oh my God, siyempre hindi ko memorize,” at natawa si Heart, “pero it’s really growing and I’m really, we’re very, very happy expecially, actually mga three months lang biglang nag-triple kami so I’m very happy.”
Sa panahon ng pandemya ay tila mas lalong natuto ang mga tao tungkol sa pangangalaga sa kalusugan at kagandahan.
“Yeah, self-make, to make time. Natuto sila na i-prioritize yung mga sarili nila which I think is very important.”
Halos lahat ng produkto at machines o gadgets sa pagpapaganda at pangangalaga sa itsura ng isang tao ay may produkto ang Pure Living; sa buhok, sa balat at marami pang iba.

The post ROSE LIN MAHAL ANG LGBTQIA COMMUNITY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ROSE LIN MAHAL ANG LGBTQIA COMMUNITY ROSE LIN MAHAL ANG LGBTQIA COMMUNITY Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.