Facebook

One plus one equals payola, di po ba Gen. Danao sir! UNTOUCHABLE PERGALAN NI BABY PANGANIBAN SA STO. TOMAS, BATANGAS

Bakit ganoon na lamang katibay at kaangas sa kapulisan at mga lokal na opisyal ng Batangas itong talipandas na babaeng si BABY PANGANIBAN, ang tinaguriang reyna ng mga peryahang may sugal sa nasabing lugar.

Mula sa patay-gutom na barangay officials, kapulisan hanggang sa inutil na alkalde ng Sto. Tomas ay tila moog na pader ang impluwensiya ng kupaling babaeng ito.

Kahit nga salot nang naturingan ang sugalang ito ni BABY P. sa mga residente ng nasabing area ay walang keber ang mga buwayang awtoridad kabilang na nga dito si Mayor Arth Jun Marasigan, ang hepe ng kapulisan nito at ang mga opisyales ng barangay na nakakasakop sa peryahang may sugal nitong si Baby Panganiban.

Notoryus na sa PNP ang pangalan nitong si BABY P. na may isang reporter ng national tabloid na tumatayong protector cum liason officer.

Meaning, taga-areglo sa mga opisyales at miyembro ng kapulisan kapag naiindulto at nababatikos ang mga naglipanang puwesto pijo ng kanyang among si BABY P.

Bahag ang buntot ng mga pulis mula sa pinakamababang ranggo hanngang sa tanggapan ni PNP Region4-A ni Gen. Antonio Yarra.

Short of saying na namamantikaan ng ipinamumudmod na intelihensiya ni BABY PANGANIBAN maging ang pinakamataas na opisyal ng PNP sa Region4-A na si Gen. Yarra nga.

Pati ang Batangas PNP-PPO ni PCOL GLICERIO C CANSILAO ay hindi pinatawad nitong si BABY PANGANIBAN na nagyayabang na mistulang patabaing baboy lamang nito si Col. Cansilao at mga tauhan nito.

Pinagsisigawan pa nitong si BABY P. na nag-ambag ito ng malaking halaga sa pa-Shootfest ni Cansilao na umaabot ng halos kalahating milyong piso bilang primary sponsor ng PNP-Batangas Shooting Competition.

Sa ating pagtatanong, napatunayan nating may isinagawa ngang shooting competition kamakailan ang PNP-Batangas PPO sa pangunguna nga ni Col. Cansilao.

Mukhang malapit sa katotohanan ang ipinakakalat na tsismis nitong si BABY PANGANIBAN laban sa kapulisan ng Batangas PNP.

Kung sabagay, sasabihin ba naman ng gambling queen ng Calabarzon na si Madam Baby ang mga panghahamak na ito sa PNP kung walang katotohanan?

Hindi mamamayagpag nang ganyan katagal bilang Queen PIN ng nasabing rehiyon si BABY PANGANIBAN kung walang basbas ng PNP,mga local politicians at media ang iligal na opisyo ng hija de putang si PANGANIBAN,hindi po ba?

One plus one lang ‘yan equals PAYOLA.

Hindi po ba PNP OIC Lt. General Vic Danao sir!

Simple Mathematics lamang po di ba General Danao ang practice n’yo dyan sa PNP lalo na sa regional at provincial levels para tuluy-tuloy ang daloy ng grasyang (quota) umaagos.

Ang pamosong PASALUBONG at PABAON sa papasok at paretirong mga opisyal ng PNP!

Di po ba sa mga katulad ni BABY PANGANIBAN galing ang mga GRASYANG ito Gen. Danao sir?

Nagtatanong lang po!

Kaya naman patuloy sa pagdami ang mga katulad nitong BULOK at NAMAMAHONG gambling queen ng Calabarzon na si BABY PANGANIBAN et al.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post One plus one equals payola, di po ba Gen. Danao sir! UNTOUCHABLE PERGALAN NI BABY PANGANIBAN SA STO. TOMAS, BATANGAS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
One plus one equals payola, di po ba Gen. Danao sir! UNTOUCHABLE PERGALAN NI BABY PANGANIBAN SA STO. TOMAS, BATANGAS One plus one equals payola, di po ba Gen. Danao sir! UNTOUCHABLE PERGALAN NI BABY PANGANIBAN SA STO. TOMAS, BATANGAS Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.