
IMINUNGKAHI ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) na maging OIC o pansamantalang hahawak sa Department of Agriculture (DA) si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., habang wala pang naitatalagang bagong kalihim ng naturang departamento.
Ayon kay AGAP partylist Rep. Nicanor Briones, na epektibong pamunuan pansamantala ni PBBM ang nasabing ahensiya para maitama at makita na malaki na ang problema sa pagkain at agrikultura.
Sinabi ni Briones, na kung hahawakan ni Marcos ang DA maaring matakot at titigil ang mga smuggler at titigil ang importasyon ng mga produktong agrikultura. At malamang hindi nila magagawang suhulan si PBBM dahil magiging kasiraan nito sa kanyang administrasyon.
Ipinahayag ni Cong. Nick kung sino ang mga karapat dapat na ilagay na bagong secretary ng DA. Aniya, dapat isang taong mayroong pagmamahal at may alam sa grounds.
Iminungkahi ni Briones sina Atty. Bong Inchiong, dahil malawak ang kaalaman, matalino, abogado at matagal na ring magsasaka; Dr. Dante Palabrica, executive ng Robina Farm, na matagal nang nasa sektor ng agrikultura tulad ng pagbababoy, manok at itlog; at si Inchiong, pangulo ng United Broilers Raisers Association (UBRA).
“Kahit one year lang, para lang magkaroon ng tamang direksyon kapag pinatawag niya lahat, susunod sa kanya ang mga nasa sektor ng agrikultura. Si BBM muna and then pumili siya ng mga sinasabi ko na mga taong may malasakit sa mga farmers at mga konsyumer,” pahayag pa ni Briones.
The post Marcos Jr., epektibong DA-OIC – Cong. Briones appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: