Patay ang 33 anyos na babae nang iuntog sa semento ng ka-live in nang tumangging makipag-sex.
Ayon sa ulat, parehong palaboy ang biktima at ang salarin na hindi pa pinangalanan, at natutulog sa harap ng isang hardware store sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.
Sa report, nag-away ang dalawa kung saan binugbog ng lalaki ang kinakasama hanggang hinampas ang ulo nito sa sementadong kalsada nang hindi pumayag makipagtalik dahil sa may regla.
Nangyari ang insidente Hulyo 20 ng gabi kung saan lasing ang naarestong salarin, at nahaharap sa kasong homicide.
The post Bebot tumanggi sa sex inuntog sa semento, tepok! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Bebot tumanggi sa sex inuntog sa semento, tepok!
Reviewed by misfitgympal
on
Hulyo 22, 2022
Rating:
Walang komento: