SA kanyang state-of-the-nation address (SONA) na nakatakda sa Lunes, apat na pangunahing tanong ang kailangan bigyan ng malinaw na kasagutan ni BBM. Tanong na mga ito sa panahon ng kampanya, ngunit dahil sa karuwagan, hindi siya nangahas sumagot. Hindi siya humarap sa anumang debate ng mga kandidato noong panahon ng kampanya.
Una, ano ang kanyang programa upang ibangon at pasiglahin ang pambansang ekonomiya na pinabayaan ni Rodrigo Duterte na bumagsak? Bagsak ang ekonomiya. Matumal ang pag-unlad. Hindi sapat anbg mga nakokolektang buwis. Hindi dapat umasa sa pangungutang sa loob at labas ng bansa upang tustusan ang gastos ng pamahalaan.
Hindi sapat ang yabang na bunsod sa “panalo” noong nakaraang halalan. Hindi sapat ang kanyang batikos sa inflation rate na ibinigay ng pambansang ahensiya na nangangasiwa sa mga datos. Kailangan ibigay niya ang programa bilang gabay sa sambayanan. Nahaharap ang bansa sa mas tumitindi at malawakang kahirapan.
Hindi nalalayo ang usapin ng pandemya sa matinding kahirapan ng bansa. Ikalawang tanong: Ano ang kanyang programa pangkalusugan upang matapos at hindi na muling masalanta ang bansa ng Covid-19 at ibang sakit? Kailangan linawin ang kanyang programa sa pambansang kalusugan. Hindi uunlad ang bansa kung walang malusog na sambayanan.
Pangatlo, ano ang kanyang paninindigan sa hayagang pag-aalipusta ng China sa bansa sa usapin ng West Philippine Sea? Hindi natin kakampi ang China dahil sinasakop ng mga Intsik ang karagatan na sakop ng ating teritoryo at exclusive economic zone (EEZ) at inaangkin ang yamang dagat natin. Susunod ba siya sa yapak ni Duterte na kampi sa China at taksil sa bayan?
Pang-apat bagaman hindi huli sa kahalagahan, ano ang kanyang paninindigan sa usapin ng ilegal na droga. Isang malaking kabiguan ang giyera kontra droga ni Duterte. Gagayahin ba niya at ipagpapatuloy ang walang habas na patayan na mga pinaghihilaang may kinalaman sa droga? Uulitin ba niya ang malawakang paglabag sa karapatang pantao?
Marami pang dapat sagutin si BBM na mga isyung hindi niya nilinaw noong kampanya. Kasama na dito ang hindi maitago ng kanyang kampo na pagrerebisa kasaysayan kung saan pilit na pinababango ang mabaho at malansang pangalan ng mga Marcos.
***
ISANG malaking kahangalan ang pelikulang “maid in Malacanang.” Pilit na binabago ang kasasayan. Walang idudulot na matwid sa sambayanang Filipino. Isang malaking panloloko ang pelikulang ito. Huwag tangkilikin.
***
HALAW ang mga sumusunod sa aming aklat “KILL KILL KILL: EJKs in the Philippines; Crimes Against Humanity vs. Duterte Et. Al. at the ICC.” Nasa huling yugto na ako na pagsusulat.
THE UGLY FACE OF WAR ON DRUGS
ALTHOUGH the war on drugs unofficially started even before Rodrigo Duterte took over as president, the ugly face of the anti-drug war immediately surfaced. For the first two years of his presidency, a big percentage of the Philippine National Police, as an institution, focused solely on the implementation of the Project Double Barrel and its twin components: Oplan Tokhang and Oplan High Value Targets. It was estimated that about 85% of the total PNP total force in Metro Manila alone worked on this anti-drug project on the first six months of Duterte’s incumbency.
According to the white paper, the “unlawful order” to pursue the war against drugs through summary executions of drug users, pushers, and wholesalers was delegated by Duterte to PNP chief Gen. Ronald dela Rosa. The unlawful order cascaded to Police Regional Officers (PROs), Police Provincial Offices (PPOs), City Police Offices (CPOs), Municipal Police Offices (MPOs), and Police Community Precincts (PCPs). The white paper alleged Metro Manila police officials were “blindly obeying” the unlawful order but said the obedience could be due to several motivations. It said:
“For the Regional Directors, there are motivations for taking part in EJK, both linked with fear that they would be relieved from their positions. First, these positions provide them opportunities to earn money and fast cash through sources of illegal gambling. Second, these positions give them access to a percentage of the Monthly Operating Expenses (MOE) budget regularly released to them. These two motivations are those of Police Regional Commanders, who are due to retire in two years’ time.
“For Police Officers from the middle to the lower ranks, (Police Chief Inspector to Police Inspector), the motivation to go along with EJK is anchored on: first, the fear to be relieved of one’s post; and second, careerism.”
The white paper clarified that not all police officers agreed with Duterte’s anti-drug war. Although the police officers have yet to show palpable indications of any semblance of opposition to the war on drugs, it said:
“Most PNP officers and personnel reject the killing of drug users. However, they overwhelmingly approve the eradication of drug pushers thru EJKs. Regarding long-term performance, police officers, who are deeply involved in EJK operations would be surely sloppy on criminal investigation.”
The white paper also denied any killing by vigilante groups, saying: “Killing by vigilante forces is definitely non-existent. It is PNP operatives riding in tandem, who carry out EJK. Although there are several thugs who are police assets used for EJK operations, these thugs serve as collectors, informants, or auxiliaries, and are provided with budgetary funds to defray their expenses. They cannot be classified as vigilantes.”
***
MGA PILING SALITA: “The PNP has no authority to declare a “no rally zone” along Commonwealth Avenue. It is only the QC LGU which is authorized to grant or deny a rally permit. The PNP should not usurp the Mayor’s authority.” – Renato Reyes, Jr.
“In Duterte, it somehow took us some days to discern his incompetence to govern & his laziness to lead. In Marcos Jr now, it’s entirely different. It took us only moments to realize that he is already a failure as President. He’s more childish than his sons, & as fake as his wife.” – Jed Cepe
“Bakit nauso yang SONA na may director binabasa lang naman yung sasabihin. Pag walang substance bumawi na lang sa style? – Raquel Fortun, netizen
“Hindi marahas ang 1986 EDSA People Power Revolution. Ito ang mapayapang himagsikan na nagpatalsik sa diktator na Ferdinand Marcos. Hinangaan ito sa buong mundo. Maraming bansa ang gumaya. Nagsilbi itong template ng payapang pagbabago sa ibang bansa. Hindi nakakatuwa ang pelikulang “Maid In Malacanang.” Sinisiraan ang sambayanang Filipino para bumango ang pangalan ng mga Marcos. Sumpain nawa ang pamilyang ito ng Maykapal.” – PL, netizen
The post APAT NA TANONG KAY BBM appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: