Facebook

Gulayan sa bakuran ng Cainta LGU makakatulong sa programa ni PBBM at Lucky Me Instant Noodles ligtas kainin FDA

Malaking tulong hindi lang para sa mga mamamayan ng Cainta ang planong Gulayan sa Bakuran ng bagong upong Mayor Atty. Elen Nieto kundi maging sa karatig bayan ng Lalawigan ng Rizal at NCR.

Nais ni Cainta Mayor Nieto mga Ka Usapang HAUZ ang agarang aksiyon sa nasabing proyektong gulayan sa bakuran, ito ay bilang pagsuporta sa nais ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. na maiangat ang produksiyon ng pagkain sa bansa kung kaya’t sa maliit na pamamaraan ay makatulong sa adhikain ng Pangulo.

Ayon sa Alkalde mananawagan siya at makiki-usap sa mamamayan ng Cainta na suportahan ang proyekto ng sa gayon ay makatulong sa mga pang araw araw na pagkain higit sa lahat ay pwede ring pagkakitaan, “dedikasyon lang sa pagtatanim at siguradong may magandang aanihin na pwede pang maging source of income”

Sa kasalukuyan mga Ka Usapang HAUZ ay bumuo na si Mayor Atty. Elen Nieto ng grupo na pawang may mga kaalaman sa paghahalaman partikular sa pagtatanim ng gulay ang siyang mag-iikot sa mga bahay bahay upang magsagawa ng pagtuturo sa tamang pagtanim at pagalaga sa mga gulay.

Target din ng grupo na hikayatin ang mga may-ari ng mga bakanteng lote na pansamantalang ipahiram muna ang tiwangwang na lupa or sila na mismo ang magutos sa kanilang tauhan na taniman ng gulay ng sa gayon ay mapakinabangan at dumami ang supply sa merkado na siyang makakatulong sa pagbaba ng presyo.

Nais ding ipabatid ni Mayor Nieto sa mamamayan ng Cainta na bukas ang kanyang tanggapan sa lahat ng nais makakuha ng binhi o punla ng mga gulay kung saan ay makipagugnayan lamang ang mga ito sa agricultural office ng munisipyo.

Samantala handang handa na rin ang LGU Cainta sa pagsisimula ng F2F classes sa darating na Agosto, ayon nga kay Mayor Nieto nagutos na siya na gumawa pa ng karagdagang wash area para sa mga guro at estudyante kabilang na rin ang pamamahagi ng face mask.

Handang handa na rin mga Ka Usapang HAUZ ang pamahalaang lokal ng Cainta sa panahon ng tag-ulan ready na ang mga evacuation centers mga relief goods maging ang sasakyang panglikas ay pinaghahanda na sakaling magkaroon ng mga pagbaha.

Eto pa pala ang good news na ibinida sa Usapang HAUZ ng Cainta Lady Mayor, hindi na mahihirapan pang lumayo o pumunta pa sa mga Health Centers ang nais magpa bakuna kontra COVID-19 virus dahil may mga Mobile Vaccination na nagiikot sa mga bahay bahay at ang target nila sa ngayon ay makumpleto na ang magpabakuna ng 2nd dose.

Bukod sa mobile vaccination target din ng pamahalaang lokal ng Cainta na maging squatters free na ang bayan kung kaya’t patuloy ang mga proyektong pabahay para sa mga mahihirap at walang sariling bahay na Caintaenos.

Nais ng Usapang Hauz na bigyan ng espasyo ang pagbibigay pahayag ng Food and Drugs Administration (FDA) na ligtas kainin ang mga produktong Lucky Me Instant Noodles.

To. The General Public, The FDA wishes to clarify that all flavor variants of locally manufactured Lucky Me Instant Noodles namely, Pancit Cantoon Regular, Pancit Cantoon Extra Hot Chili, Pancit Cantoon Chilimansi and Instant Beef regular, including Pancit Cantoon Kalamansi pass the standard for Ethylene oxide and are safe to consumption.

The level ethylene oxide in pancit cantoon kalamansi ( less than 0.01mg.kg) passes the standard for ethylene oxide even of the European Union, The acceptable level of EU is 0.02 mg.kg. Dr. Oscar G. Gutierrez Jr. OIC FDA Director General.

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036

The post Gulayan sa bakuran ng Cainta LGU makakatulong sa programa ni PBBM at Lucky Me Instant Noodles ligtas kainin FDA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gulayan sa bakuran ng Cainta LGU makakatulong sa programa ni PBBM at Lucky Me Instant Noodles ligtas kainin FDA Gulayan sa bakuran ng Cainta LGU makakatulong sa programa ni PBBM at Lucky Me Instant Noodles ligtas kainin FDA Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.