Naghatid ang team ni Senator Christopher “Bong” Go ng agarang tulong sa mga residenteng nasunugan sa Barangay 60, sa Tondo, Maynila.
Nagpadala si Go ng tulong sa 39 na naapektuhang pamilya, kasabay ng pagtiyak na umuusad na ang modernisasyon sa Bureau of Fire Protection para sa mas epektibo at mas mabilis na pagtugon sa mga sunog.
“Napakahalaga po talaga na mabigyan natin ng suporta ang BFP dahil napakahalaga rin ng mandato nila na kailangan gampanan upang makapagligtas ng buhay,” pahayag ni Go sa pamamagitan ng video message.
“Halos linggo-linggo tayong bumababa sa mga nasunugan. Nakikita ko ng personal ang hirap ng ating mga kababayan na nasunugan. Kahit isang bahay lang po ang masunog, damay po pati ang kapitbahay. Maraming pamilya ang apektado. Kaya po dapat lang na palakasin ang kapasidad ng BFP sa pagresponde sa sunog,” pagbibigay diin pa ng primary author ng BFP Modernization Act of 2021.
Namahagi ang team ni Go ng masks, grocery packs at meals sa mga apektadong pamilya habang nagbigay naman ang Department of Social Welfare and Development ng financial assistance upang makatulong sa pagbangon ng mga biktima mula sa pinsalang idinulot ng insidente.
Hinikayat din ni Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang mga benepisyaryo na alagaan ang kanilang kalusugan at pinayuhang bumista sa alinmang Malasakit Centers sa Maynila kung kailangan nila ng medical assistance mula sa pamahalaan.
Ang Malasakit Centers sa Maynila ay matatagpuan sa Philippine General Hospital, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Jose R. Reyes Memorial Medical Hospital, San Lazaro Hospital, at Tondo Medical Hospital.
Pinayuhan di ni Go ang mga kwalipikadong lumahok sa national vaccination program, na magpabakuna na sa pagsasabing, “Marami na po ang nagpapabakuna dahil nakikita naman po sa datos na ito ang ating tanging susi o solusyon upang makabalik sa normal na pamumuhay. Kaya magpabakuna na po kayo mga kababayan ko.”
“Habang tuluy-tuloy ang ating pagbabakuna, importante pa rin po na huwag tayong maging kumpiyansa at kailangan din namin ang patuloy ninyong disiplina,” dagdag pa niya.
Sinuportahan din ni Go ang road improvement sa kahabaan ng Tayuman Street hanggang Dagupan, maging ang structural improvement ng public buildings, pagtatayo ng evacuation centers, at iba pa sa lugsod.
“Magtulungan lang po tayo. Hindi po kaya ng gobyerno mag-isa kung wala po ang inyong kooperasyon. Magtulungan at magbayanihan tayo at sigurado po akong malalagpasan natin ang krisis na ito,” saad ng Senador.
The post MGA BIKTIMA NG SUNOG SA TONDO, MAYNILA, PINADALHAN NG TULONG NI SEN. BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: