Facebook

Robin pinalagan ng netizens sa pagsulong ng batas na gawing legal ang divorce

Ni ARCHIE LIAO

ANG actor turned politician na si Robin Padilla ang isa sa mga senador na nagsusulong na gawing legal ang divorce sa Pilipinas.
Ayon kay Binoe, layunin daw ng kanyang panukalang batas na protektahan ang mga taong puwedeng maging biktima ng mga nasirang relasyon pero dahil sa nakatali sila sa kasalukuyang batas ay wala silang magawa.
Paglilinaw din niya, hindi raw isasabatas ang divorce bill para sirain ang sakramento ng kasal.
“‘Di ito isang bagay na kami ay kontra na magkaroon ng forever. Itong panukalang ito nagbibigay ng proteksyon unang-una sa mag-asawa, babae, lalaki, at magiging anak,” ayon sa senator-elect.
“May nagsasabi baka raw itong panukala ang sisira sa kasal, hindi po. Itong panukalang ito ang nagbibigay proteksyon sa kasal na, masakit man sabihin, ay sira na,” dugtong niya.
Dahil sa kanyang panukala, hindi naman siya nakaligtas sa mga taong tutol dito lalo na ang mga Katolikong naniniwala sa matrimonyo ng kasal.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Di ba Muslim siya? Pabor sa kanya iyan, dahil puwede siyang magkaroon ng maraming asawa.”
“Atat siya sa divorce. Kasi kapag sawa o ayaw na niya kay Mariel, puwede na niyang idiborsyo at mag-asawa siya ng iba.”
“May balak ba siyang iwan si Mariel kaya mega push niya ang divorce bill.”
“Oo nga naman. Kung hindi na siya happy sa wifey, puede na niyang i-divorce, di ba?”
“Pabor iyan kay Kylie. Hindi kaya inurot siya ng anak tungkol sa bill na itey.”

The post Robin pinalagan ng netizens sa pagsulong ng batas na gawing legal ang divorce appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Robin pinalagan ng netizens sa pagsulong ng batas na gawing legal ang divorce Robin pinalagan ng netizens sa pagsulong ng batas na gawing legal ang divorce Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.