Facebook

TAMA BA ANG POSTURA NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON NA MAGING “MAHINAHON” MUNA TAYO SA PAKIKITUNGO SA CHINA?

SA TOTOO lang, hindi naman mahirap labanan ang ismagling kung tutuusin sa Bureau of Customs (BoC).

Katapatan sa tungkulin, mahusay na pagsunod sa batas, tibay ng dibdib laban sa tukso ng madaling pagkakamal ng salapi sa “baluktot na paraan.”

Mayroon ba ang BoC ng mga ganitong opisyal at kawani?

Ang sagot: napakarami nila, pawang matatapat, pawang matitino at nais na tunay na makapagserbisyo nang matapat sa bansa.

Ano ang dahilan at hindi tayo nagtatagumpay laban sa katiwalian?

Pagkakaisa ang kulang, pagwawalang-bahala ang naririyan, at ang pagsasabing, nandiyan na yan at hindi na maaari pang mawala.

Mali: magagawa ito, kung si Commissioner Yogi Filemon Ruiz at ang maraming matitino at matatapat ay ating tutulungan.

Ito ang kulang, at dapat na mangyari.

Sa kung paanong paraan, sumunod tayo sa batas at itinatakda ng mga regulasyon, at ‘wag kumunsinti ng mga mali.

Matututo tayong sumama sa pagbabago at huwag humadlang sa pagbabago.

Ito na ang simula at makakayang mapatay ang halimaw na ismagling.

***

Kailangan nang baguhin ang polisiya ng bansa sa masyadong “pagkiling” sa China — na hindi naman “kaibigan” ang pagturing sa atin.

Tama na kaibiganin natin ang China, tulad ng ibang bansa, pero ang pagkakaibigan ay nakasalig sa katapatan at maayos na pagbibigayan.

Hindi natin ito nakikita sa kasalukuyang relasyong Pilipinas at China.

Ano-ano ang mga katibayan at katotohanan?

Hindi pagkilala ng China sa hatol ng International Court sa Hague na atin nga ang mga Isla sa Spratley at iba pang isla na sakop ng ating economic zone.

Katunayan, hindi lamang iisa kungdi pinararami pa ang mga instalasyong pandagat at military na itinayo sa mga pulo ng Spratleys na ngayon ay labis na ikinababahala ng US at lumilikha ng malaking tensiyon sa kanila.

Tama ang posisyon na makipagkaibigan tayo sa China sa ngayon sapagkat tanggap natin ang katotohanan, hindi natin makakaya ang harapang makipagsagupa sa digmaan sa higanteng armas, military at ekonomya ng China — ngayon ay kinikilala ng buong mundo na isang superpower.

Maging ang US na may pinakamalakas na puwersang militar at sandatang nuclear ay atubili at andap na makipagkomprontasyon sa komunistang China.

Lalo na wala tayong kakayahang banggain ang lakas militar ng China na ano ang makakaya nating isagupa sa barko de giyera nila laban sa ating bangkang papel.

Iyan ang masaklap na katotohanan.

Tama ba ang postura ng kasalukuyang administrasyon na maging “maingat muna at mahinahon tayo” sa pakikitungo sa China, ito ay sa kabila ng lantarang “panlalamang” nito sa ating kabutihang loob?
***
Kaya ba naririto ang maraming Intsik ay upang kumuha ng maraming national security information upang madali tayong masakop kung dumating ang pagkakataong gawin ito?

Bukod dito, bunga ng malaya at walang problemang pagpasok ng maraming Chinese sa bansa, hindi malayong ipalagay na marami sa kanila ay nakapagdala ng nakamamatay na COVID-19 at iba pang virus.

Hindi natin iminumungkahi na magpakita ng tapang laban sa China na hindi natin makakayang mapanindigan.

Ngunit mahalaga na magpakita tayo ng malakas na pagtutol at pagkondena sa hindi parehas na trato ng pagkakaibigang ibinibigay natin sa bansang Tsina.

Bakit ba kahit kiyaw at magtaas ng boses ay hindi natin makakayang magawa?

‘Wag nating ipakita na wala tayong buto at gulugod at bayag kontra China, period!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post TAMA BA ANG POSTURA NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON NA MAGING “MAHINAHON” MUNA TAYO SA PAKIKITUNGO SA CHINA? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TAMA BA ANG POSTURA NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON NA MAGING “MAHINAHON” MUNA TAYO SA PAKIKITUNGO SA CHINA? TAMA BA ANG POSTURA NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON NA MAGING “MAHINAHON” MUNA TAYO SA PAKIKITUNGO SA CHINA? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.