Facebook

HANGA AKO SA PANININDIGAN NI INDAY

BINULAGA tayo ng matapang at may paninindigang pahayag ng ating bagong Vice President at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Sara Z. Duterte, nitong pagpasok ng buwan ng Agosto, sa kanyang reaksiyon sa mga pakulong muli ng maka-kaliwang Makabayan Bloc, dahil sa symbolic niyang kasuotan sa State of the Nation Address ni Pangulong Bong Bong Marcos.

Sa kanyang inilabas na statement noong August 1, 2022, sinabi ni Inday Sara na natatawa na lamang siya sa mga patunog nitong Makabayan Bloc kuno, sa Kongreso, kahit alam ng mga ito na isinuka na ng taong bayan ang ilan sa Partylist na kasama nito tulad ng Bayan Muna.

“Marami na ang naloko ng Makabayan bloc. Magaling sila sa propaganda at sanay sila sa pagsisinungaling. Sa loob ng maraming panahon, walang naglakas-loob na ilabas ang katotohanan tungkol sa kanila. Gagawin natin ito ngayon.”

Ang mga nabitawang salita ng ating VP at Department of Education(DepEd) Secretary Inday Sara.

“Ilang batang Pilipino na ang kanilang nahikayat na sumanib sa NPA para sumali sa isang gyera na hindi naman nauunawaan ng mga kabataan — isang gyera na hinding-hindi nila maipapanalo dahil isa itong gyera na laban sa kapwa nila mga Pilipino.”

“Ilang pangarap at magandang kinabukasan na rin ba ng mga kabataan ang hinayaan ng Makabayan bloc na masira sa loob ng maraming mga taon? Ilang kabataan na ba ang namatay bilang NPA?”

Maanghang na pananaw pa ng ating DepEd Secretary.

Malalim ang punto niya, lalo na nang sabihin niyang “ang pagsasabi ng katotohanan tungkol sa relasyon ng Makabayan bloc at sa teroristang NPA, CPP, at NDFP ay hindi red-tagging o terror-tagging — ito ay pagsasabi lamang ng katotohanan.”

Nakikiisa ako sa matapang na pananaw at masidhing paninindigan ng ating Bise Presidente at butihing Kalihim ang Kagawaran ng Edukasyon Sara Duterte laban sa mahigit limang dekakadang panloloko, panlilinlang, pagsisinungaling at panggagantso ng mga mapagkunwaring makabayan na ang layunin ay kumitil ng kapuwa Pilipino upang maagaw ang poder mula sa demokratikong pamahalaan.

Lalabanan natin sila. Buhay man ang maging kapalit. Ililigtas natin ang mga biktima ng panlilinlang lalo na ang mga kabataang sistematikong niligaw ang pag iisip, sinira ang buhay at pamilya at kinabukasan.

May panahon ng paniningil at pagtutuos. At iyon ay ngayon na!

The post HANGA AKO SA PANININDIGAN NI INDAY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HANGA AKO SA PANININDIGAN NI INDAY HANGA AKO SA PANININDIGAN NI INDAY Reviewed by misfitgympal on Agosto 08, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.