BINIGYAN ng pagkilala ng Senado si Pinoy boxing champ Davemark “Doberman” Apolinario.
Si Apolinario, ang reigning International Boxing Organization (IBO) Flyweight Champion at natitirang Filipino world boxing champion sa ngayon matapos nitong talunin ni Gideon Buthelezi ng South Africa via knockout.
Sa sponsorship speech ni Senador Christopher “Bong” Go, may-akda ng PSR 84, ipinakita ni Apolinario ang kanyang ‘unrelenting Filipino spirit’.
“Ang mga ganitong karangalan ay tunay ngang nakakataba ng puso. Dahil sa kabila ng krisis na ating kinakaharap dulot ng pandemya, ang ating mga Pilipinong atleta ay namayagpag sa mundo ng palakasan at nagbigay ng malaking inspirasyon sa ating bayan,” wika ni Go, chairman ng Senate Committee on Sports.
“Ako po ay kaisa ng bawat Pilipino sa pagsusuporta at pagpupugay sa ating mga Atleta na nag bigay karangalan sa ating bansa,” banggit pa ng senador.
Si Apolinario ay mayroong 17 wins, 0 defeats, at 12 knockouts.
Maatatandaang si Go ang pangunahing may-akda at co-sponsored ng Republic Act No. 11470 sa itinatag na National Academy of Sports System at Main Campus sa New Clark City Sports Complex na nasa Capas, Tarlac.
Kasama rin ni Go si dating pangulong Rodrigo Duterte sa groundbreaking ng Philippine Sports Training Center noong Hunyo 17 sa Bagac, Bataan.
Nauna nang itinulak ni Go ang pagpopondo sa site development at paghahanda ng Master Development Plan ng center. Ito ay target na makumpleto sa taong 2024. (Mylene Alfonso)
The post Senado binigyang pagkilala si Pinoy boxing champ Davemark “Doberman” Apolinario appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: