Facebook

OFW na nakaligtas sa kamatayan nakauwi na ng bansa

Nakauwi na ng bansa ang isang overseas Filipino worker (OFW) na maswerteng nakaligtas sa kamatayan matapos gilitan sa leeg ng ina ng kanyang employer sa Saudi Arabia.

Sinalubong ni OWWA deputy Administrator Arnel Ignacio ang OFW na si Jinky Solitorio nang dumating ito sa NAIA Terminal 1 Lunes ng gabi, sakay ng Philippine Airlines flight PR 683 mula Dammam.

Ayon kay Jinky, nangyari ang insidente noong July 17 matapos sumpungin ang ina ng kanyang amo dahil doon daw siya inassign nang araw na iyon.

Aniya, nagkaka-problema umano ang nanay ng kanyang amo kapag hindi ito nakakainom ng gamot sa high blood.

Nagalit umano ito sa kanya at nung sinagot niya ito dahil hindi pa siya nababayaran ng kanyang sweldo ay dumampot umano ng bread knife ang among babae at dito na umano siya ginilitan sa leeg. Nagsisigaw umano siya para humingi ng saklolo kaya natigil ang panggigilit sa kanya ng ina ng kanyang amo.

Hindi na umano niya magawang gumanti sa takot na baligtarin siya at baka siya pa umano ang makasuhan.

Agad namang tinulungan ng embahada si Jinky para maasikaso ang kanyang kaso laban sa kanyang employer. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

The post OFW na nakaligtas sa kamatayan nakauwi na ng bansa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
OFW na nakaligtas sa kamatayan nakauwi na ng bansa OFW na nakaligtas sa kamatayan nakauwi na ng bansa Reviewed by misfitgympal on Agosto 08, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.