Binisita ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Bagong Barrio Elementary School para alamin kung inoobserbahan ang ipinatutupad na minimum health protocols sa pagbubukas ng face-to-face classes sa Caloocan.
Tulad ng ipinag-utos ng Alkalde, ang lahat ng mga paaralan dapat maglagay ng hand sanitizing sa washing areas upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa banta ng COVID-19 at iba pang mga nakakahawang sakit.
Bukod dito, dapat obserbahan ng mga mag-aaral ang pagsusuot ng face mask at physical distancing sa lahat ng oras.
Inatasan din ni Mayor Along ang Caloocan City Police Station na i-deploy ang kanilang mga tauhan at tiyaking abot tanaw ang mga paaralan.
“Inatasan natin ang ating kapulisan na pangunahan ang pagpapanatili ng kaayusan sa ating mga paaralan at upang maging panatag din ang mga magulang sa kaligtasan ng kanilang mga anak,” wika ni Mayor Along.
Sa maikling talumpati, binigyang-diin din ng Alkalde na kailangang sama-samang magtulungan bilang isang komunidad tungo sa new normal.
“Umaaasa po ako na makikipagtulungan ang lahat upang magtuloy-tuloy na pagbabalik sa normal ng pamumuhay ng ating mga kabataan,” wika pa ni Along.
The post Mayor Along binisita ang Bagong Barrio Elem. Sch. sa pagbubukas ng F2F classes sa Caloocan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: