Facebook

Ynna engaged na sa non-showbiz bf; Johnrey nagpakita ng ari sa movie, waging best supporting actor sa Famas

Ni ROMMEL GONZALES

TALENT si Johnrey Rivas ng Philippine Stagers Foundation, Inc. o PSF ng director/actor at abogadong Vince TaƱada.
Sampung taon na ang nakalilipas noong madiskubre ni Vince si Johnrey habang nanonood ng isang show ng PSF sa eskuwelahan nina Johnrey sa Tondo High School.
“Nag-workshop ako sa kanila, then the rest is history kinuha nila ako as an actor then iyon na po, dito na po ako nahasa sa PSF,” sinabi pa ni Johnrey.
May frontal nudity si Johnrey sa KATIPS; paano siya napapayag na magpakita ng kanyang private part sa harap ng kamera?
“Kasi po sa theater po lalo na po sa PSF, ang mga ginagawa po naming plays dito ay mga experimental plays. Talagang out-of-the box plays po siya.
“Wala na po sa amin ang paghuhubad, basta po ang sa amin lang is nakakatulong siya sa pag-forward ng story. “Hindi naman po naghubad ka lang for the sake na naghubad.
“Dapat po naghubad kayo may dahilan at may ambag sa pagpapatakbo ng istorya.
“Napapayag po nila ako kasi I really love the character, original po ako sa stageplay version nito [KATIPS], it was a stageplay before, back in 2016, same role.”
Sa KATIPS ay gumaganap si Johnrey bilang si Art.
“And it was a challenge for me kasi twenty-plus na ako ngayon tapos seventeen ako back then nung nag-original ‘to so sabi ko malaking role ‘to sa akin so nagpapayat po ako talagang kung anu-ano pong ginawa ko para lang ma-achieve ko itong character para ma-fit po ulit ako sa character.
“Then I’m happy kasi kung pangit po ang ginawa ko hindi naman siguro mapapansin ng FAMAS,” nakangitng sinabi pa ni Johnrey.
May regular stageplays si Johnrey at iba pang talents ng PSF sa PSF Blackbox Theater sa Sampaloc, Maynila tuwing Sabado ng gabi. At tulad ng alam nating lahat, nitong Sabado ay nanalo si Johnrey bilang Best Supporting Actor sa FAMAS Awards para sa pelikulang KATIPS na palabas ngayon sa mga sinehan.
Ilang gabi bago ang FAMAS ay kausap namin si Johnrey at tinanong namin kung ano ang mararamdaman niya kapag nanalo siya.
“Hindi ko po alam talaga! Hindi ko pa po siya… yung ma-nominate nga lang po, ngayon po para akong nasa langit, parang lagi po akong nakalutang.
“Nakalutang po talaga yung feeling ko e, pero kung manalo man po ako, ako na po siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo!”
Magugulat ba siya kapag nanalo siya?
“Sobra po,” natatawang bulalas ni Johnrey. “Kasi grabe po yung mga kahilera ko, alam ko po na sa akin pa lang po hindi na po ako nag-e-expect sa totoo lang, na mananalo ako.
“Ang sa akin na lang po nandun kami, sama-sama kami ng mga bumubuo ng KATIPS at napansin kami ng FAMAS mismo, oh my God!
“So iyon po pa lang, sakto at solved na po ako.”
At nanalo nga siya!
***
ENGAGED na ang Kapuso actress na si Ynna Asistio sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Bully Carbonell.
Sa Instagram, nag-post nitong Linggo si Ynna ng larawan niya habang nakayakap sa kanya si Bully. Makikita rin ang engagement ring na suot ng aktres na may bouquet of flowers.
“Ilang taon ako [nagbenta] ng engagement ring and wedding ring. Lagi ko tinatanong sa sarili ko, ‘kailan kaya ako?’ Ito na ‘yun. In His time. In His perfect time,” saad ni Ynna sa caption.
“Salamat, Mahal Ko! Salamat sa pagmamahal. Salamat at tinupad mo ang pangarap ko. I love you so much, Dub,” dagdag pa niya. “Best day ever.”
Sa isa pang post, ibinahagi ni Ynna ang larawan kung papaano siya inalok ni Bully ng kasal.
Ilan sa mga bumati kay Ynna ay ang mga kapwa celebs na sina Andi Eigenmann, Rodjun Cruz, Kaye Abad, Yasmien Kurdi, at Rich Asuncion

The post Ynna engaged na sa non-showbiz bf; Johnrey nagpakita ng ari sa movie, waging best supporting actor sa Famas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ynna engaged na sa non-showbiz bf; Johnrey nagpakita ng ari sa movie, waging best supporting actor sa Famas Ynna engaged na sa non-showbiz bf; Johnrey nagpakita ng ari sa movie, waging best supporting actor sa Famas Reviewed by misfitgympal on Agosto 03, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.