Facebook

BONG GO, TUTOL NA ITIGIL ANG AYUDA

HINDI sang-ayon si Senator Christopher “Bong” Go sa panukalang itigil ang pagbibigay ng tulong pinansyal o ayuda sa mga apektado ng patuloy na pandemya ng COVID-19.

Sinabi ni Go, tagapangulo ng Senate committee on health, ang mga mahihirap na Pilipino ay patuloy na nangangailangan ng suporta mula sa gobyerno hanggang nananatili ang COVID-19.

“I totally disagree na ihinto ng gobyerno ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektado ng pandemya. Hanggang nandiyan pa ang COVID-19, delikado pa ang buhay ng ating mga kababayan, apektado pa rin ang kabuhayan ng bawat Pilipino,” ayon kay Go.

Sa halip, hinimok ni Go ang gobyerno na patuloy na unahin ang pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na Pilipino at tiyaking hindi sila dumaranas ng gutom sa gitna ng public health emergency.

“Unahin natin ang mga mahihirap. Una sa lahat, gawin natin ang pagbibigay ng ayuda sa kanila. Siguraduhin nating walang magugutom,” iginiit ng senador.

Sa isang press briefing kamakailan, ipinunto ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na dahil sa limitadong kapasidad ng pananalapi ng bansa, dapat nang ihinto ang suportang pinansyal na may kaugnayan sa COVID.

Binigyang-diin ni Diokno na hindi na kailangan pang magbigay ng karagdagang tulong sa mga low-income Filipino households dahil “fully recovered” na ang bansa.

Ikinatuwiran ni Go, gayunpaman, na hanggang may makukuhang pondo, dapat unahin ang pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino sa panahong ito.

“Basta may pagkukuhanan ng pondo, prayoridad natin dapat na magbigay ng ayuda sa nangangailangan,” ani Go.

“Mandato ‘yan ng buong gobyerno, kasama na ang Kongreso, na siguruhing mayroong sapat na pag-alalay, pagtulong at pagmamalasakit sa mga mamamayan hanggang tuluyang makabangon ang lahat,” idinagdag niya.

Kung may mga umano’y leakages sa pagbibigay ng tulong, hinimok ni Go ang pamahalaan na barahan ang mga pagtagas sa halip na itigil ang pagbibigay ng tulong.

“If there are alleged leakages in the provision of aid, then plug the leaks instead of turning it off especially at a time when there are still people who have nowhere else to go but to seek help from the government especially the hopeless and the helpless,” pahayag ng mambabatas.

Hanggang hindi aniya nakababangon nang tuluyan ang bansa, dapat na tiyakin na walang Pilipinong maiiwan,” ayon pa sa senador.

The post BONG GO, TUTOL NA ITIGIL ANG AYUDA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO, TUTOL NA ITIGIL ANG AYUDA BONG GO, TUTOL NA ITIGIL ANG AYUDA Reviewed by misfitgympal on Setyembre 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.